Sen. Alan Peter Cayetano sa mga tumutuligsa sa P10K ayuda: “Tumulong na lang kayo.”

Dahil marami umano ang naghahanap at tumutuligsa sa ₱10,000 ayuda, sinabi ni Senator Alan Peter Cayetano na ihahain niya ang isang panukalang batas na ang layunin ay mabigyan ng sampung libong (P10,000) ayuda ang bawat pamilyang Pilipino.

Ito ang naging pahayag ni Cayetano sa oath-taking ceremony ng mga local officials ng Taguig City.

Nilinaw niya na isa lamang legislative proposal ang nasabing ayuda.

Dagdag pa niya, kailangan pa rin ito ng suporta ng Malacañang at ng Kongreso.

“Sa mga nangba-bash sa ₱10K ayuda, kung kaya ko lang silang bigyan ng tag-10,000, binigay ko na sa kanila.

“Pero sa katotohanan ito’y isang legislative proposal.

“So ang hinihingi ko po doon sa mga tumutuligsa sa programang Sampung Libong (Pag-asa) during the pandemic, tumulong na lang kayo.”

Matatandaang kamakailan lamang ay may nag-viral na isang video kung saan pabirong sinisingil ng isang lalaki si Cayetano habang namamasyal ito sa isang mall.

RELATED STORY:

Dahil sa nasabing pahayag ni Cayetano, muling nag-react ang ilang netizens tungkol dito.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento.

* * * * * * * * * *

Maging una sa mga showbiz updates at iba pang trending at viral issues by following us on our social media accounts!

Facebook: https://www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: https://twitter.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

error: Content is protected!