Video ni Alan Peter Cayetano na hinihingan ng P10K ayuda sa isang mall, nag-viral

Viral ngayon sa social media ang isang video ni Senator-elect Alan Peter Cayetano na namamasyal sa isang mall kasama ang may-bahay nito na si Taguig mayor-elect Lani Cayetano.

Sa nasabing video na ini-upload ng Facebook page na La solidaridad, maririnig ang boses ng lalaking kumukuha ng video.

Nang makilala ng nasabing lalaki ang senador, sinubukan ng lalaki na kuhanina ng atensiyon nito.

Maririnig na sinabi ng lalaki:

“Sir, 10K ko, sir… Sir, 10K…”

Patuloy lamang sa paglalakad ang senador at ang asawa nito.

Matatandaang isa si Cayetano sa nag-file ng P10K Ayuda Bill na naglalayong tulungan ang mga pamilyang Filipino noong kasagsagan ng pandemya.

Panoorin ang nasabing viral video dito.

Narito naman ang ilan sa mga komento ng netizens hinggil dito.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: