James Reid, may ‘inamin’ sa viral video niya na may kahalikang lalaki

Inamin ng aktor na si James Reid na hindi big deal sa kaniya ang viral video kung saan makikitang may kahalikan siyang lalaki.

Matatandaang kumalat ang isang video kung saan kasama niya ang ilang kaibigan sa pagdiriwang niya ng kaarawan noong nakaraang buwan.

Hinalikan siya ng kaibigang lalaki sa pisngi at pabiro rin siyang gumanti rito.

Mabilis na kumalat ang nasabing video at umani ng mga malisyosong komento mula sa netizens.

Sa interview sa kaniya ng entertainment website na pep.ph, inamin ng aktor na tinawanan na lamang niya ang issue.

“That was my business partner, his name is also James, James Thomas.

“I was just, like, messing around, having fun. Brotherly love, ayun.”

Tinawag niyang ‘hilarious’ ang naging reaksiyon ng netizens sa nasabing video.

“When I saw all the comments? It’s the same old stuff. People like to take something out of context and make it look like something else.

“I thought it was hilarious.”

Sa kasalukyan ay wala pa ring girlfriend ang aktor mula nang maghiwalay sila ni Nadine Lustre noong December 2019.

”I’m really enjoying being single.

“I’m focusing on my career, and I’m also learning who I am along the way.”

Balikan ang nasabing viral video dito.

* * * * * * * * * *

Please follow us on our social media accounts!

Facebook: https://www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: https://twitter.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: