Karla Estrada, tuluyan nang titigbakin sa ‘Magandang Buhay’?

Tuluyan na nga bang magpaalam sa ABS-CBN morning talk show na Magandang Buhay ang TV host-actress na si Karla Estrada?

Ito ang naging tanong ng netizens matapos itong mag-post sa social media ng tila pahiwatig ng pamamaalam sa programa.

Sa kaniyang Instagram account, nag-post si Karla ng isang larawan kasama ang co-hosts sa programa na sina Jolina Magdangal at Melai Cantiveros.

May caption ito na:

“Happy to see you my Momshies!!!🥰🥰🥰 Ang Pamamaalam….

“ABANGAN! 🤗🤗🤗

“Good Vibes with all momshies”

Palaisipan tuloy sa mga netizens kung ang ‘pamamalam’ na binanggit nito sa caption ay nangangahulugan ng tuluyan nitong pag-alis sa programa.

Isa sa mga original hosts ng programa si Karla na nagsimula noong 2016.

Pansamatala siyang umalis sa show noong 2021 para sa pangangampanya sa eleksyon kung saan siya napabilang bilang isa sa mga nominees ng isang kumandidatong partylist.

Naging usap-usapan ang ginawang ito ni Karla noon dahil ang sinuportahan niyang partido ay kilala bilang isa sa mga sumuporta sa pagpatay ng prangkisa ng ABS-CBN kung saan umeere ang kanyang morning show.

Sa kaniyang pansamantalang pag-alis sa programa, nagkaroon ng iba’t ibang co-host sina Jolina at Melai.

Kamakailan ay si Regine Velasquez ang naging co-host ng programa hanggang sa nagpaalm na rin ito upang tutukan ang paghahanda sa concert nito kasama si Sharon Cuneta.

Sa kasalukuyan ay si Judy Ann Santos naman ang humalili bilang co-host ng show.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Magandang Buhay (@_magandangbuhay)

Wala pang official announcement ang programa kung babalik pa ba si Karla o patuloy na lamang na magkakaroon ng iba-ibang special guest co-hosts.

Samantala, ilang netizens naman ang nagbigay ng reaksiyon sa social media post ni Karla.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento (published as is).

”Okay lang yan, marami namang mas magaling na pwedeng pumalit.”

”Wag na sanang ibalik pa. Di maganda ang pagtatraydor niya sa ABS.”

”Pinatunayan lang niyang wala siyang utang na loob sa network na nagpasikat sa kanya at sa anak niya.”

”Okay na kami kay Regine at Judy Ann. O kaya si Bianca Gonzales.”

”Tsugihin nang tuluyan yan. Wala naman din siyang ambag sa show.”

”Ayos nga yan para wala nang nanlalait kay Melai.”

* * * * * * * * * *

Please follow us on our social media accounts!

Facebook: https://www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: https://twitter.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: