Inatake sa puso at kinailangang sumailalim sa open-heart surgery ang beteranong ABS-CBN broadcast journalist na si Doris Bigornia, 55.
Ito ang inianunsiyo kagabi, February 24, ng kaniyang partner sa programang SRO sa TeleRadyo na si Alvin Elchico.
Sabi ni Alvin:
Bago po tayo mag-umpisa, dahil marami po kasi ang nagtatanong, so nagpaalam po ako sa pamilya ni Mutya ng Masa, Doris Bigornia, na sabihin po sa inyo…
Pinapasabi lang po, ang Mutya ng Masa, siya po’y inatake sa puso noong Linggo, papuntang Lunes.
Ayon pa kay Alvin, kasalukuyang nasa intensive care unit (ICU) ng ospital ang tinaguriang ‘Mutya ng Masa’ at sasailalim sa isang maselang operasyon.
Sinabi rin ni Alvin na conscious si Doris, at nakausap pa nga raw niya ito sa telepono.
Ang pamilya po ay humihingi po ng panalangin.
So, sa ngalan po ng pamilya ni Doris Bigornia, ang Mutya ng Masa, kami po sa DZMM Teleradyo ay humihingi po ng inyong panalangin.
Nagpaabot din ng mensahe ng panalangin ang ilang katrabaho, kaibigan, at tagahanga ni Doris.
Fight @DorisBigornia 🙏🏻 Praying for you. https://t.co/jyK20pMP1z
— Gretchen Ho (@gretchenho) February 23, 2021
Please pray for our colleague Doris Bigornia. She recently had a heart attack and is in need of open hearrt surgery.
Doris, we – your kapamilyas are here for you 🙏🏻 DZMM Announcement here: https://t.co/gWLQAIKTxg
— Karen Davila (@iamkarendavila) February 23, 2021
We are praying for your complete recovery , Ms @DorisBigornia 🙏🏼❤️
— Pia Magalona ⁷ #DefendOurFreedom (@piamagalona) February 23, 2021
Nag-tweet din ng mensahe ang anak ni Dorris na si Nikki.
Stay strong, ma. Maraming nagmamahal sa’yo.
— Nikki Bigornia 𓃠🎀 (@nikkibigornia) February 23, 2021