Janno Gibbs sa isyu ng pagmumura kay Kitkat: “I was provoked”

Ilang oras pa lamang ang nakalipas matapos magkaayos sina Kitkat at Janno Gibbs, muli na namang nabuhay ang isyu sa pagitan ng dalawa.

Ito ay matapos umalma ni Janno sa naging pahayag ni Kitkat sa Facebook post nito.

Matatandaang nagsimula ang gusot sa pagitan ng dalawa nang murahin umano ni Janno si Kitkat sa taping ng kanilang NET25 noontime show na Happy Time.

= = = = = = = = = = = = = = = = = = = =

RELATED STORIES:

Janno Gibbs, pinagmumura si Kitkat sa taping ng Happy Time?

Kitkat on issue with Janno Gibbs: “I choose to be the bigger person”

= = = = = = = = = = = = = = = = = = = =

Sa Facebook post ni Kitkat kagabi, sinabi nito na siya ay nakapagpatawad na.

Maraming salamat sa suporta at pagmamahal ninyo..
Dahil ako po ay minamahal ninyo at alam kong blessed ako, AKO PO AY NAKAPAG PATAWAD NA! sino ba naman ako para hindi magpatawad, ang DYOS pinatawad ako sa mga kasalanan ko , nararapat lamang na ako ay magpatawad… makakagaan sa aking buhay at loob…
Opo sa lahat ng nangyari ,,, totoo po lahat yun, pero again AKO PO AY NAGPAPATAWAD NA … thank YOU LORD for the strength 🙏🏻🙏🏻🙏🏻

Kinumpirma rin niya sa report ng Philippine Entertainment Portal (PEP) na totoong nagkaroon ng insidente ng pagmumura sa taping ng kanilang show.

Subalit ilang oras lamang matapos ito, nag-post din sa Facebook si Janno upang ibuhos ang kaniyang saloobin sa nangyari.

Itinuro niya si Kitkat na totoong nagsimula ng gulo.

Nagpakumbaba napo ako. Tiniis ko ang pangBabash ng mga tao sa akin at sa aking pamilya. Humingi napo ako ng tawad,kahit na siya ang tunay na nagumpisa ng lahat. I was provoked.Pinahiya sa harap ng maraming tao sa studio. Pinag-ayos napo kami kanina. Akala ko ay ayos na. Tinanggap ko napo kahit hindi niya ako sinuklian ng paumanhin. Ngunit ngayong gabi ay nagpost nanaman sya.Pinalalabas na wala siyang kasalanan. Hindi ko napo kayang palampasin ito. Kailangan ko nang ipagtanggol ang aking reputasyon at higit sa lahat ang aking mga anak, na nkatatanggap din ng batikos sa mga tao. Oras na para malaman ng tao ang Buong katotohanan.

As of this writing, wala pang reaksiyon mula kay Kitkat sa naging pahayag ni Janno.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: