NO TO BODY SHAMING.
Ito ang isa sa top trending topics sa Twitter ngayong hapon, February 23.
Nagsimulang mapag-usapan ng ma netizens ang tinawag nilang ‘insensitive joke’ tungkol sa Kapamilya star na si Vivoree Esclito.
Naganap ang sinasabing insidente sa isang segment sa ABS-CBN noontime show na It’s Showtime.
Ito ang Hide and Sing kung saan huhulaan ng celebrity player kung sino ang celebrity singer sa tatlong singers na nakatago ang buong katawan.
Bilang clue, magpapakita ng litrato o video kung saan isang bahagi ng katawan ng singer ang ipapasilip nito.
Nang ipinasilip ang braso ng first contestant, kapansin-pansin ang pagiging balbon nito kung kaya’t napasigaw agad ang isa sa mga hosts na si Jugs Jugueta habang tumatawa.
Si Vivoree ‘yan!
Napatigil lamang ang pagtawa nito nang i-call out siya ni Karylle na nagsabing balbon din siya.
Agad namang kumambiyo si Jugs at sinabing nagbibiro lamang.
Napansin agad ito ng mga tagahanga ni Vivoree at idinaan sa tweets ang kanilang disappointment.
This is not funny, this is the last time you’re gonna make fun of her. pic.twitter.com/CDzJ1bZcX5
— Mhegzy (@mhegzy19) February 23, 2021
Kuddos to Ana Karylle earlier, para don sa pag-handle ng situation. So proud of this angel AKSKSKSK always
NO TO BODY SHAMING
— Aling Marie; acads✨💍 (@aestheticvicey) February 23, 2021
You can joke all you want, laugh all you want but NEVER EVER use someone’s insecurities as your JOKE on NATIONAL TV. What you did may result to normalizing BODY SHAMING as a funny topic to your viewers.
NO TO BODY SHAMING
— lalalab 🔗 (@lalalab_____) February 23, 2021
Magkakasunod din ang tweets at retweets ni Vivoree na tila pinatutungkulan ang nangyari.
when someone makes fun of your looks,
let our response be:“gwapa/gwapo gihapon” 😎
— V (@vivoree) February 23, 2021
ok so i’ve seen some comments about some people body-shaming me. it’s fine with me po, none taken, but PLEASE do not do it to others. some people don’t take it the same way I do. other’s bodies are totally NONE of your business 😩 be sensitive enough to know that
— V (@vivoree) October 21, 2019
You can joke all you want, laugh all you want but NEVER EVER use someone’s insecurities as your JOKE on NATIONAL TV. What you did may result to normalizing BODY SHAMING as a funny topic to your viewers.
NO TO BODY SHAMING
— lalalab 🔗 (@lalalab_____) February 23, 2021
Tila makahulugan din ang IG story ng aktres ngayong gabi.