Kris Aquino, pumalpak umano ang gamutan sa Amerika; lilipat nga ba ng ospital?

“Parang lumalabas, lilipat na naman siya ng ospital dahil iyon daw pinag-aalala nila sa Houston na gamutan na palpak ay pumalpak na nga. Sa ingles niya sinabi ‘yan.”

Ito ang ibinahagi ng showbiz columnist na si Cristy Fermin tungkol sa kalagayan ni Kris Aquino sa Amerika.

RELATED STORIES:

Sa online show ni Cristy na Showbiz Now Na kasama sina Morly Alinio at Romel Chika, muli nilang napag-usapan ang kalagayan ng TV host-actress.

Matatandaang nagbigay kamakailan ng update si Kris tungkol sa pinagdadaanan niyang pagpapagamot sa Amerika.

Doon niya nabanggit ang pagpopositibo niya sa COVID-19, pati na rin ang dalawang anak na sina Joshua at Bimby.

RELATED STORIES:

Ayon kay Cristy ay nakatanggap siya ng mahabang text message mula kay Kris matapos itong makapanood ng videos na may kinalaman sa mga ibinigay na komento ng manunulat tungkol kay Kris at sa mga anak nito.

Maliban sa umano’y panunumbat ni Kris kay Cristy, nabanggit ng kolumnista ang tungkol sa kalagayan ng kalusugan ngayon ni Kris.

Ayon umano kay Kris, hindi maganda ang kalagayan ng pagpapagamot niya.

“Parang lumalabas, lilipat na naman siya ng ospital dahil iyon daw pinag-aalala nila sa Houston na gamutan na palpak ay pumalpak na nga. Sa ingles niya sinabi yan.

“Nagkamali-mali na nga kaya hindi niya alam kung lilipad na naman sila at lilipat ng ospital.”

Sabi pa ni Cristy, hindi na raw niya idedetalye pa ang ibang mga sinabi sa kaniya ni Kris pero ibinahagi niya na sasailalim ito sa chemotherapy sabay pakita ng screenshot ng bahagi ng text message ni Kris sa kaniya.

“In less than 3 months direcho na ko sa immunosuppressant-chemotherapy na… it’s the only road I have.”

Dagdag pa ni Cristy, marahil ay sasailalim ito sa ganoong uri ng treatment para hindi na lumala pa ang mga karamdaman nito.

“Nag-aalala na raw ‘yung mga kapatid niya kasi ‘yun daw nangyayari sa kanyang ‘yun, umeepekto sa kanyang mga veins patungo na sa kanyang puso.”

* * * * * * * * * *

Maging una sa mga showbiz updates at iba pang trending at viral issues by following us on our social media accounts!

Facebook: https://www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: https://twitter.com/thepinoydaily

5 thoughts on “Kris Aquino, pumalpak umano ang gamutan sa Amerika; lilipat nga ba ng ospital?

  1. Just do your best Kris. Get well soon. Fight for it. Be strong. Keep praying to Almighty Father. HE will listen to your prayers. GOD is good.

    Take care….

  2. Surrender everything to Jesus Christ , our almighty God, the healer , full of mercy and grace. He won’t fail you . Forgiveness is the key and repentance. In Jesus name amen.

  3. Di kita kaano ano Kris but I am praying for you because I am also a mom. All I can say is entrust your like to JESUS alone. Repent and ask forgiveness to Jesus. Humble and accept Jesus as your Lord and Savior. Mama Mary cannot save you only Jesus the Son of God can heal and give your healing miracle. Spent your time listening and hearing the Word of God which is the Scripture or Bible. Walang ibang makapagpagaling sayo kundi si Jesus lang po. Sana gamitin ni Lord si Angel Locsin at mga christian celebrities ma introduce nila si Jesus sayo. Di pa huli ang lahat Kris. Give your life to Jesus hindi sa mga alam mong pamahiin. Only Jesus and his promises, his Word. Praying for you that God miracle healing be upon you. God bless, fight and don’t lose hope. Habang may hinanga kaya ni Lord maghimala.🙏🙏🙏

  4. Kris, when all human efforts seem futile and useless, maybe it’s time to stop. Imho, spend your “remaining days” in prayer, forgiveness, reconciliation, and making happy memories with your loved ones, especially your sons Bimby and Josh. More introspection, silent moments with God, privacy with your family.

    The less we (the public) know about your condition, the faster you will heal, spiritually, and perhaps, physically as well. Mababawasan ang stress mo if you will not go public about your condition kasi wala nang negative energies going towards your direction.

    Conserve whatever strength remains in your very frail condition and spend them wisely on things that will bring you closer to God. Make more happy memories with your kids despite your sickness.

    Praying for you.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

error: Content is protected!