Pokwang, niresbakan ang basher na nagsabing ‘karma’ ang paghihiwalay nila ng asawa

Hindi pinalampas ni Pokwang ang isang netizen na kumutya sa paghihiwalay nila ng asawang si Lee O’Brian.

Sa komento kasi sa isang social media post, tinawag ng isang netizen na ‘karma’ ang nangyari sa komedyante.

Tila nilagyan pa ng netizen ng kulay ng politika ang nasabing komento.

Matatandaang isa si Pokwang sa mga celebrities na aktibong nagpahayag ng suporta kay dating Vice President Leni Robredo nang kumandidato ito sa pagkapangulo noong May 2022 elections.

Sabi ng netizen: “Kaya pala masyadong bitter ngayon. Pinagkakaabalahan ang makipag-away sa mga pro-Marcos. 🤣🤣🤣 Karma ba yan @itspokwang27”

Hindi naman ito pinalampas ni Pokwang at sinagot ang nasabing komento.

“Hindi po karma ang tawag dun.

“Nililinis lang ni God ang daanan ko patungo sa tamang tao!

“Ikaw kapag namatayan ka ba ng kamag-anak mo karma agad?

“Bakit may pinatay ba ako? Gaga ka?”

Sa YouTube vlog ni Ogie Diaz ay kinumpirma nito na hiwalay na sina Pokwang at Lee noong pang Nobyembre na nakaraang taon.

Ayon kay Ogie, hindi raw niya ito agad isiniwalat dahil na rin sa pakiusap sa kanya ng kaibigang si Pokwang.

Isiniwalat na raw ito ni Ogie matapos lumabas kamakailan ang usapin ukol sa relationship status ng dalawa.

Ayon pa sa talent manager, maayos naman daw ang paghihiwalay ng dalawa..

Co-parenting ngayon sina Pokwang at Lee sa kanilang anak na si Malia.

Hindi naman idinetalye ni Ogie kung ano ang naging sanhi ng hiwalayan ng dalawa.

Aniya, “Sa totoo lang masalimuot, pero ang sinabi lang ni Pokwang, ‘Ang importante ay hindi kami magkagalit nung maghiwalay kami ni Papang [Lee].’”

* * * * * * * * * *

Maging una sa mga showbiz updates at iba pang trending at viral issues by following us on our social media accounts!

Facebook: https://www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: https://twitter.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: