Magkasintahang sina Rabiya Mateo at Jeric Gonzales, hiwalay na?

Hiwalay na nga ba ang magkasintahang sina Rabiya Mateo at Jeric Gonzales?

Ito ang tanong ng mga netizens matapos mapuna na hindi na naka-follow sa isa’t isa ang dalawa sa kanilang Instagram account.

Kapansin-pansin rin na binura na ni Rabiya ang mga larawan nilang dalawa na magkasama.

Samantalang sa account naman ni Jeric ay makikita pa rin ang mga pictures nila.

Kamakailan lamang ay naging usap-usapan sa social media ang magkasintahan matapos kumalat ang ilang larawan ni Jeric na may kasamang isang lalaki.

Sa isang larawan ay makikita pa na tila naghahalikan ang dalawa.

Walang naging pahayag ang dalawa tungkol dito subalit ilang tagahanga ng aktor ang nagsabing kuha umano ang nasabing mga larawan sa isang indie film na ginawa ng aktor noong 2020.

Sa kabila ng usaping ito, nag-post pa ng date night photos nila ang dalawa noong June 14 na tila patunay na walang anumang problema sa pagitan nila.

Ngunit bago ito, may ‘hugot’ ang beauty queen na ipinost niya sa kaniyang Instagram account.

“I owe myself the biggest apology for putting up with what I didn’t deserve.”

Bagama’t walang ibang detalye ang nasabing post, nagdulot ito ng iba’t ibang ispekulasyon ng netizens.

Tatlong buwan pa lamang ang nakakalipas mula nang isapubliko nila ang kanilang relasyon noong March 2022.

Ayon sa ilang source na malapit sa aktor, nagsimula na ang relasyon ng dalawa noong pa mang November 2021.

Ang beauty queen ang unang nagbahagi sa social media ng ilang sweet moments nila ng aktor na kuha mula sa kanilang Bohol vacation.

 

Caption ni Rabiya kalakip ng shining at heart emojis:

“Live. LOVE. Laugh. Thank you, Eric.”

Sa comment section ng nasabing post ay nag-iwan naman ng mensahe ang aktor.

“Let’s be happy together. I love you.”

Sa kaniyang sariling Instagram account naman ay nag-post rin ng larawan nila ang aktor at sinabing:

“To more memories with you @rabiyamateo I love you.”

* * * * * * * * * *

Please follow us on our social media accounts!

Facebook: https://www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: https://twitter.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: