Cristy Fermin, ibinunyag ang ‘patunay’ na buntis umano si Julia Montes?

Sa kaniyang online talk show, naging topic ng showbiz columnist na si Cristy Fermin ang napapabalitang pagbubuntis umano ng Kapamilya actress na si Julia Montes.

Matatandaang kamakailan lang ay dinagsa ng komento ng netizens ang isang Instagram post ng aktres.

Karamihan ng mga nagkomento ay nagtatanong sa kasalukuyang kondisyon ng aktres.

Ang ilan sa kanila’y pumuna sa tila pagdagdag umano ng timbang nito.

Ang ilan naman ay nagtanong kung may itinatago ba ito kung kaya’t tila nakatakip ang isang unan sa kaniyang bandang tiyan.

Ang iba ay direktang nagtanong kung buntis ba ito.

Ang mga katanungan na ito ng netizens ang inulit at inusisa ng batikang kolumnista.

“Alam mo naman ngayon ang mga Marites, talagang lahat napapansin na nila. Kumilos nang pakaliwa at pakanan ang mga artista, meron agad silang napapansin.

Tulad ngayon, totoo raw ba–question mark naman itong kanila, tandang pananong– totoo raw ba na nagdadalang-tao ngayon si Julia Montes at ang itinuturong ama ay walang iba kundi ang walang kamatayang si Cardo Dalisay, si Coco Martin?” 

Aniya, marami raw ang nakakapansin sa tila paglobo ng timbang ng aktres.

“Kasi raw napansin nila sa ilang eksena ng Ang Probinsyano at mga pictorial ni Julia na may kalakihan daw ang bilbil.”

Mas lalong umugong ang tsismis tungkol sa kondisyon ng aktres sa burol ng namayapang aktres na si Susan Roces kamakailan.

Nakiramay kasi sa burol ang karamihan ng bumubuo sa ABS-CBN primetime show na FPJ’s Ang Probinsyano kung saan naging bahagi ang namayapang aktres.

Pinagbibidahan ito ng rumored boyfriend ni Julia na si Coco Martin at kabilang din mismo si Julia sa cast nito.

Kapansin-pansin na hindi kasama sa dumalo ang aktres.

“Unang-una kong narinig ang kwento tungkol sa diumano–ayan po, diumano– na pagdadalang-tao ni Julia Montes noong pumanaw si Manang Inday.

“Nagpunta po sa ikalawang gabi ang mga artista at production staff po ng ‘Ang Probinsyano’ sa lamay, wala si Julia Montes.

“At may mga nagtatanong, kaya ba wala doon si Julia, bawal daw magpunta sa lamay o sa burol ang buntis? ‘Yun ang katanungan.”

* * * * * * * * * *

Please follow us on our social media accounts!

Facebook: https://www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: https://twitter.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: