Kylie Padilla at Aljur Abrenica, nagkabalikan na nga ba?

Direktang sinagot ng Kapuso actress na si Kylie Padilla ang tanong ng isang netizen sa Twitter.

May kinalaman ito sa relasyon niya sa dating asawa na si Aljur Abrenica.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by kylie 🌙 (@kylienicolepadilla)

Ito ay matapos siyang mag-entertain ng mga tanong mula sa kaniyang Twitter followers sa pamamagitan ng #askkylie.

Isang follower niya ang nagtanong kung nagkabalikan na ba sila ng dating asawa.

”Nagkabalikan na puba kayo ni aljur?”

Matipid naman ang naging sagot ng aktres dito.

”Co-parenting 🙏🏼”

Matatandaang naging masalimuot ang usapin ng hiwalayan nilang dalawa noong Oktubre 2021.

Nag-viral noon ang Facebook post ni Aljur kung saan hinamon niyang magpakatotoo ang dating asawa.

“Don’t hide and disguise your comments, statement for your self gain.

“Tell them who cheated first. Tell them who wrecked our family.

“Tell them why I gave up on you not on our family. The people deserves to know.

“I have no hate for them despite of all the attacks and accusation they have towards me.

“I do appreciate their reactions because I know it comes from their genuine morality and support towards our family.

“So they also deserve to know the truth. I’am sorry for asking these questions and for breaking our agreement of not speaking to the public.”

Sa isang interview naman ni Jessica Soho, inamin ni Kylie na totoong siya ang nag-initiate na makipaghiwalay sa asawa matapos ang pagsasama nila sa loob ng dalawang taon at apat na buwan.

Pero nilinaw niyang wala raw katotohanang niloko niya si Aljur noong sila pa.

“Yung lumabas na statement, medyo nagulat din ako. It’s unfair.

“I don’t have a say because I was part of the marriage, dalawa kami.

“Gusto kong matapos yung nangyari sa amin na friends kami, but parang nag-iiba ata ang ihip ng hangin.”

Samantala, ikinatuwa naman ng mga tagahanga ng aktres na bagama’t tila malabo nang magkabalikan pa ang dalawa ay mayroon na silang arrangement bilang mga magulang sa kanilang mga anak.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: