Fake news? Xian Lim, walang alam sa nabalitang paglipat ng ‘The Voice’ sa GMA-7

“I wish it’s true.”

Ito ang naging reaksiyon ng TV host-actor na si Xian Lim sa kumakalat na balita na siya umano ang magiging bagong host ng The Voice Kids.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Xian Lim (@xianlimm)

Matatandaang ilang araw nang usap-usapan ng netizens ang lumutang na balita na nabili na umano ng GMA-7 ang airing rights ng singing competition na The Voice.

Unang umere ang Pinoy version ng The Voice sa ABS-CBN noong 2013.

Nagkaroon ito ng tatlong versions sa Kapamilya network — ang regular season, The Voice Kids, at The Voice Teens.

Sa singing competition na ito nagsimula ang career ng ilan sa mga kinikilalang singers ng bansa ngayon.

Kabilang na dito sina Jason Dy, Mitoy Yonting, Klarisse De Guzman, Morissette Amon, Moira Dela Torre, Elha Nympha, Darren Espanto, Lyca Gairanod, at iba pa.

Kasama naman sa mga naging coaches sina Sarah Geronimo, Lea Salonga, Bamboo, Apl.de.ap, at Sharon Cuneta.

Naging hosts ng show sina Luis Manzano, Robi Domingo, Toni Gonzaga, Alex Gonzaga, Yeng Constantino, at Kim Chiu.

At sa kumalat na balita kamakailan, sinasabing ito raw paglipat ng The Voice sa Kapuso network ang isa sa mga dahilan kung bakit babalik na rin sa GMA-7 ang Popstar Royalty na si Sarah Geronimo.

Sa kumalat na art card mula sa isang Kapuso fan page, pinangalanan ang mga posibleng maging coaches sa bagong season na ito.

Ito ay sina Sarah, Bamboo, Pops Fernandez, at Julie Anne San Jose.

At si Xian nga umano ang magiging host ng nasabing programa.

Sa isang tweet, nilinaw ni Xian na walang katotohanan ang balitang ito.

Wala pa raw silang napag-uusapan ng management tungkol sa programa.

“Oh wow, nice! I wish it’s true 🙂 No word from management yet but this would truly be great :-). I would love to host <3”

Wala pa ring reaksiyon mula sa kampo nina Sarah at Bamboo na kabilang sa mga original coaches ng show.

Maging ang GMA-7 ay wala pa ring official announcement kung totoo ngang nabili na nila ang airing rights ng nasabing programa.

* * * * * * * * * *

Please follow us on our social media accounts!

Facebook: https://www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: https://twitter.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: