Tom Rodriguez, ibinunyag na divorced na sila ni Carla Abellana

Nagsalita na ang aktor na si Tom Rodriguez tungkol sa hiwalayan nila ng asawang si Carla Abellana.

Kinumpirma ni Tom ang tungkol sa divorce nila ni Carla.

Ayon sa aktor, napagtanto niyang kahit anong effort ang gawin niya ay isinuko na ni Carla ang pagsasama nila.

“I left the Philippines for the US last March 13, with the realization that despite all my efforts, Carla had already given up on our marriage.

“I have accepted her decision that it is time to move forward, independent from each other. I have to teach myself how to fall out of love from her.

“Now that the divorce decree is final, I truly wish Carla’s birthday wish be granted and that she finds the happiness she is searching for.”

Nilinaw rin ni Tom na hindi niya pinagbuhatan ng kamay o sinaktan si Carla.

“I may have fallen short as a partner, especially when I lost all my money to someone who preyed on my gullibility, but it must be stressed that at no time did I ever lay a hand on Carla.

“This will be a lonely, painful path that I shall take, but together with my family here in the US, I have the strongest support system. I am with people who will never judge and who will only love me unconditionally.”

Ang nasabing statement ay ibinahagi sa Instagram ng talent manager na si Popoy Caritativo nitong June 17.

Sa isang naunang pahayag, kinumpirma ni Carla ang kanilang hiwalayan.

“I was disrespected. I was betrayed. I was lied to. I was used. I was shamed. I was made to look so stupid.

“Kung sana hanggang dun lang po makakabangon din po ako balang araw.”

Ang ikinagalit umano nang husto ni Carla ay ang pagdamay sa kaniyang pamilya.

“Pero para gawan pa po ako at ang pamilya ko ng mas marami pang kasamaan at kataksilan sa mga sumunod na araw, linggo at buwan, sobra sa sobra na po ang sakit at pagdurog ng puso at pagkatao ko.”

Nilinaw rin niya na hindi niya ginawan ng masama ang asawa.

“Wala po akong ibinigay kay Tom kundi tunay na pagmamahal, respeto, pag-aalaga, pag-aaruga, pag-unawa, pagtitiis, sangkatutak na pagpapatawad, milya-milyang pasensya, paniniwala, pagtiwala, pag-aasikaso, pag protekta, lahat lahat na.

“Binigay ko po buong buhay ko sa kanya. 7 na taon po akong bawal magalit, magtampo, masaktan, mabigo, malungkot, madismaya dahil hindi po pwede.

“Makakatikim po ako kahit subukan ko pong ipaliwanag sa kanya na nasasaktan niya ako at hindi po tama ang mga ginagawa niya.

“Paulit-ulit ko pong pinapaalala sa kanya na hindi po ako kalaban at mabuti po ang kalooban at intensyon ko.

“7 na taon pong naipon sa loob ko lahat yun. Gustuhin at kailangan ko man pong ilabas, lubos na nakakakatakot po.”

2 thoughts on “Tom Rodriguez, ibinunyag na divorced na sila ni Carla Abellana

  1. I believe on Carla’s statement even though i didn’t know her.
    As I look on Tom, He is not a good guy as I’ve read his personality.he has anger management.so Carla just so much fallen in love with tom that’s why she always giving him the chance and hope that he could change when they are married so she accepted the proposal of marriage but she realized his character will never change until she got fed up and gave up when tom made a big mistake the things Carla couldn’t take anymore.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: