Anger management issue ni Tom Rodriguez sa PBB noon, may kinalaman sa hiwalayan nila ni Carla Abellana?

Muling binalikan ng netizens ang ilang YouTube videos ni Tom Rodriguez noong housemate pa lamang ito sa Pinoy Big Brother: Double Up na umere sa ABS-CBN noong 2009.

Ito ay kasunod ng naging kontrobersiyal na pahayag ng asawa nitong si Carla Abellana tungkol sa kanilang hiwalayan.

Napatawan ng parusang force eviction noon si Tom noon na naging dahilan upang mapalabas siya nang maaga sa Bahay ni Kuya.

Ito ay may kinalaman sa pagiging bayolente niya nang hindi niya makontrol ang sariling emosyon matapos matalo sa isang task.

Nasuntok niya noon ang pader na naging dahilan din ng pagkasugat ng kaniyang kamao.

Hula ng netizens ngayon, tila may kinalaman ang pagiging bayolente ni Tom sa nangyaring hiwalayan nila ni Carla.

Bahagi kasi ng pahayag ni Carla ay ang “pananakit” na hindi na masyadong idinetalye ng aktres.

“Makakatikim po ako kahit subukan ko pong ipaliwanag sa kanya na nasasaktan niya ako at hindi po tama ang mga ginagawa niya.

“Paulit-ulit ko pong pinapaalala sa kanya na hindi po ako kalaban at mabuti po ang kalooban at intensyon ko.

“7 na taon pong naipon sa loob ko lahat yun. Gustuhin at kailangan ko man pong ilabas, lubos na nakakakatakot po.”

“Ilang beses ko po siyang hinikayat na magpatingin, magpagamot at magpagaling dahil yun din po ang gumana sa akin. Pero wala parin po.

“Tinanggap ko parin po siyang ng walang pagdududa kahit wala pong pagbabago. Hinarap ko po siya sa altar. Buong puso po akong determinadong alagaan ang pagsasama at pagmamahal namin, at panindigan ang mga sinumpaan namin sa harap ng Diyos.”

Dahil sa nasabing pahayag, binalikan ng netizens ang ilang videos noong housemate pa lamang si Tom sa Bahay ni Kuya.

Narito ang komento ng ilang netizens.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: