Hindi napigilan ng talent manager at vlogger na si Ogie Diaz ang pagsagot sa isang netizen na tila hindi naka-gets sa kaniyang Facebook post.
Nag-viral kamakailan ang nasabing post ni Ogie na may nakakatawang caption.
Kalakip ng post ang larawan niya sa tabi ng isang sasakyan.
“35 years na rin naman ako sa entertainment industry. Kung wala pa akong nararating, nakakahiya naman sa sarili ko. Ibig sabihin, di ko ginamit ang utak ko, ang talento ko, para marating ang kung anuman ako ngayon.
“Saka deserve ko rin naman ito. Bugbog na yung luma ko. Naghihingalo na, ika nga, kaya dapat nang bumili ng bago. Namili ako kung anong kulay. Merong red, yellow, black, white, silver. Ang tagal ko pang nag-decide. Itong green ang napili ko. Masarap sa mata. Lutang na lutang. Mapapansin agad ang bago kong biling charger.”
Sa unang tingin sa larawan ay ang mamahaling sasakyan agad ang makikita mo at baka hindi mapansin ang hawak niyang cellphone charger na siya palang tinutukoy niya sa post.
Marami ang agad na nagkomento na hindi munainintindi nang buo ang post.
Kagaya ng isang netizen na nakakuha naman ng atensiyon ni Ogie.
Ibinahagi niya ito sa isang panibagong post.
“May pumukaw lang ng atensyon ko sa comment section ng post ng Kami. Itong si kagandahang Sarah Avancena. And to quote her:
“Tama ka lutang na lutang ang kulay nga napili mo, pasalamat ka sa viewers mo sa iyong you tube nga tinangkilik nila kong wala sila hindi ka makabili ng ganyan sasakyan.. kaya pasalamat ka sa subscriber mo ilong, sunod mong iparetoki mo ang ilong mo.. para lalo kang maging guapa..”
“Ok. Hindi na ako magko-concentrate sa kab0b0hang umintindi, doon na lang ako dadako sa gusto niyang magparetoke ako ng ilong.”
“Ateng, okay yung suggestion mo na magparet0ke ako ng ilong kung feeling mo eh yung ilong mo ang batayan ng magandang ilong.
“Napa-stalk tuloy ako sa mga posts mo na mas madalas ka pang magpalit ng profile pic kesa mag-post ka ng mga concerns mo sa lipunan. So after my thorough evaluation, napabuntong-hininga na lang ako.”
Ibinahagi rin niya ang larawan ng nasabing netizen.
“So, ganito, Sarah… ‘wag kang nagsa-suggest na “magparetoke ako ng ilong” kung may kapareho din akong ilong sa miyembro ng pamilya mo.
“Baka magtampo sila sa yo. Sa ilong ng ibang tao, concerned ka. Tapos, sa ilong nila, hindi.
“Tingin muna sa salamin, teh. O kung walang salamin, tingin din sa loob ng pamamahay mo, baka mas kailangan nila ng suggestion mo kesa kailangan ko.
“Saka ang kinis mo sa profile pic mo, teh, ha? Anong filter app yan? Actually, sa sobrang ganda mo, gusto kitang regaluhan ng manika at karayom.”