Rabiya Mateo, ipinagpalit daw ng jowa na si Jeric Gonzales sa isang lalaki?

Kumakalat ngayon sa social media ang umano’y ilang larawan ng boyfriend ni Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo na si Jeric Gonzales kasama ang isang lalaki.

Ang source ng nasabing mga larawan ay isang Instagram account na may username na @2020_aanie.

Ang nakalagay na caption sa nasabing post:

“Wala ng intro intro spill the tea, oh dito muna tayo guys.

“Stop muna kay SKUSTA kasi may JERIC GONZALES pa.

“Yung kilala niyong JERIC GONZALES two timer naman pala.

“Actually daig pa nga TWO TIMER sa sobrang daming pinagsabay sabay eh.

“Paano mo nagagawang lokohin ang isang Rabiya? Pakisagot naman @jericgonzales07.

May kasama ang post na ilang larawan na sinasabing ang Kapuso actor nga kasama ang isang hindi pa nakikilalang lalaki.

Kapansin-pansin ang suot na singsing ng dalawang lalaki.

Sa iba pang larawan ay kapansin-pansin naman ang sweetness ng dalawang lalaki.

As of this writing, deleted na ang nasabing Instagram post.

Samantala, wala pa ring pahayag tungkol dito ang aktor o maging ang kaniyang kasintahang beauty queen.

Kasabay ng pagkalat ng nasabing mga larawan sa internet ay ang pagdagsa rin ng opinyon ng netizens tungkol dito.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento (published as is).

“Ay, ano ba yan?! Kagigising ko lang tapo sganyan ang bubungad sa akin. Haha”

”So, ano talagang meron sa 2022 at maraming ganitong balita?”

”For a change daw, baka sawa na kayo sa balita tungkol kay Skusta.”

”Siya ba talaga yan? Baka naman kamukha lang?”

”So, sino yung guy? Bakit tinakpan pa yung mukha, di tuloy kumpleto ang pagka-marites ko. Haha”

”Ayon sa nabasa ko kuha raw sa isang indie film ang eksena na yan. Kaya wag na tayong maging malisyoso pa. Hahaha”

”Baka mas bet ang boylet kaysa sa beauty queen?”

”Shot puno na, Rabiya! Sagot ko na ang pulutan. Haha”

”Lumang pictures na raw yan. 2020 pa yan. Eksena sa pelikula.”

”Nadale na naman ng fake news ang mga Marites. Hahaha”

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: