Mas umugong ngayon ang bulung-bulungan na matutuloy na ang pagababalik sa KApuso network ng tinaguriang Popstar Royalty na si Sarah Geronimo.
Una nang napabalita ang posibilidad ng paglipat ni Sarah mula sa ABS-CBN kasama ang asawa nitong si Matteo Guidicelli.
Ito ay matapos ang umano’y meeting na naganap sa pagitan ng network at ng Viva na siyang may hawak sa career ng mag-asawa.
Ngayon naman ay napapabalita na rin na nabili na umano ng GMA-7 ang rights para sa The Voice Kids.
Ang The Voice Kids ay isang singing competition na unang umere sa ABS-CBN noong 2014.
Sa singing competition na ito nagmula naging grand champion sina Lyca Gairanod (season 1) at Elha Nympha (season 2).
Dito rin nagsimulang makilala ang ilan pang magagaling na singers sa henerasyon ngayon gaya nina Darren Espanto, Juan Karlos Labajo, Kyle Echarri, at Zephanie Dimaranan.
Naging coaches sa nasabing competition sina Sarah Geronimo, Lea Salonga, Bamboo, at Sharon Cuneta (season 3).
Kabilang sa mga naging hosts sina Luis Manzano, Toni Gonzaga, Robi Domingo, Alex Gonzaga, Yeng Constantion, at Kim Chiu.
Tumagal ito ng apat na seasons at huling napanood noong 2019.
At ngayon ngang napapabalita na nabili na ng kapuso network ang rights sa pag-eere nito, nagkaroon ng maraming katanungan ang mga netizens.
Kasama kaya ito sa dahilan ng umano’y pagbabalik sa Kapuso ni Sarah G?
Magiging coach pa rin kaya nito si Sarah o siya na ang magiging host nito?
Makakasama kaya sa paglipat ang mga original coaches na sina Lea at Bamboo?
Kung hindi naman, sino kaya ang mapapabilang sa new set of coaches nito?
Narito ang ilan pang komento ng netizens tungkol dito (published as is).
”Sana mag-concentrate na lang ang GMA sa sarili nilang contest gaya ng The Clash. Pwede naman silang gumawa ng Kids version nun.”
”Masyado nang tumatak ang The Voice Kids sa ABS-CBN. Iba na lang sana ang kinuha nila.”
”Mas lalong dadami ang Kapuso artists na hindi mabibigyan ng break dahil sa paglipat ng Kapamilya.”
”Excited for this. Maiba naman.”
”Sana sila pa rin ang coaches para masaya.”