Skusta Clee, natikman ang ‘lupit’ at ‘higanti’ ng crowd sa isang music festival

Tila hindi nakaligtas ang Ex-Batallion member na si Skusta Clee sa ‘higanti’ ng crowd sa isang music festival kamakailan.

Isa ang rapper sa performers sa katatapos na Aurora Fest 2022 na isang hot air balloon at music festival sa Clark, Pampanga.

Base sa mga kumalat na videos sa social media, sa simula pa lamang ay tila hindi na naging maganda ang pagtanggap ng manonood sa rapper.

Marami pa rin kasi ang tila hindi pa rin tanggap ang ginawa nito na panloloko ulit sa dating karelasyon na si Zeinab Harake.

Rinig sa mga videos na kumalat online ang pagsigaw at pagmumura ng audience habang nagpe-perform ang rapper.

Mas lalong umingay ang audience nang awitin ni Skusta ang Karma na may kaugnayan sa pagluluko at pagtataksil ang tema.

Sa halip na palakpak ay sigawan ng “boo,” “cheater,” at kung nao-ano pa ang isinukli ng audience sa performance ng rapper.

May ilan pa ngang nagtaas ng ‘middle finger’ kasabay ng pagsigaw nila kay Skusta.

Sa kaniyang Instagram account ay tila nagbigay naman ng reaksiyon tungkol sa nangyari ang rapper.

“As long as mas kilala ako ng mga taong nagmamahal at nakapaligid sakin, okay ako! Wala kong dapat patunayan sa kahit kanino man.

“I’m just here living my best life. Sa mga tunay na sumusuporta, kapit lang. Mahal ko kayo.”

Samantala, patuloy sa pagkalat sa social media ang mga nasabing video na kuha sa katatapos na event.

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens (published as is).

”I say dasurv na dasurv! Hahaha!”

“Ayan, eh di naramdaman mo ang hagupit ng madlang pipol!”

”Yung siya na nga kasi ang nagluko, siya pa itong parang pavictim. Hello?!”

”Magsama kayo ng bago mo. Bagay kayo. Hahaha”

”Ayan ang napapala ng mga kapalmuks. Lol”

”Ramdam ko ang gigil ng audience. Haha!”

”Masisisi mo ba ang reaction ng crowd? Hahaha”

“Dedma lang sya eh. Pero deep inside tumatak din sa kanya yung mga sigaw na yun.”

”Keri lang lang, deserve nya lahat ng yan.”

 

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: