Ion Perez, ipinagmalaki ang bagong sasakyan; bashers, pinagdudahan ang ipinambili niya dito

Sa latest vlog ng boyfriend ni Vice Ganda na si Ion Perez sa kaniyang YouTube channel ay ipinagmalaki nito ang nabiling bagong sasakyan.

Katas umano ito ng kaniyang kinita mula sa Kumu — isang pinoy livestreaming app.

Sa nasabing vlog, ikinuwento niya sa kaniyang mga viewers ang pagkakaroon ng bagong blessing na isang BMW.

Ayon sa kaniya, isa itong 2013 model dahil hindi pa abot ng budget niya ang brand new model nito.

Pero kahit naman daw second-hand ito ay maituturing na maayos pa rin ang sasakyan dahil maganda pa rin ito.

Dagdag niya, mukhang maalaga rin daw ang dating may-ari ng sasakyan dahil maayos pa rin ito.

Aprubado naman daw ito ng jowa niyang si Vice Ganda.

“Siyempre kahit papaano, kahit pera ko ‘yun, siyempre kailangan ko pa rin ‘yung approval niya. Na-approve naman ni Meme. Dadalhin ko na para makita niya rin.”

Natuwa naman si Vice at naging proud sa resulta na pagpapagod ni Ion para rito.

Maliban sa pagla-livestream sa Kumu at pagva-vlog para sa YouTube, regular ding napapanood si Ion sa ABS-CBN noontime show na It’s Showtime.

Sinalubong naman ng iba’t ibang reaksiyon ng netizens ang nasabing video.

Marami ang natuwa para kay Ion ngunit may ilan din namang nagbigay ng malisya at pinagdudahan ang ipinambili nito ng sasakyan.

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens (published as is).

“Congrats! Happy for you, Ion.”

”Madali lang talaga para sa celebrities ang kumita ng pera. Kumu or Youtube lang, kikita na.”

“Naku, magtigil ka, Ion. Alam naman namin na hindi mo pera ang ipinambili mo. Haha!”

”Real talk lang. Pera mo o pera ni Vice?”

“Katas daw ng Kumu. Baka katas ni Ion? Lol!”

”May trabaho naman si Ion kaya may sariling pera rin siya. Masyado naman kayong malisyoso.”

”Eh ano naman kung pera ni Vice? Mag-asawa naman sila.”

”Kapag inggit, pikit. Ang daming mema dito.”

”Mapapa sana all ka na lang talaga.”

”Mabuti ang puso ni Ion kaya marami ring biyaya.”

”Kung tutuusin nga, afford naman ni Vice ang brand new. Pwede siya magpabili anytime pero mas pinili niya lang yung kaya ng budget niya.”

”Ang dami na namang mapanghusga dito. Haha”

Panoorin ang vlog ni Ion dito.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: