Brenda Mage, binigyan ng iPhone ang jowa; inunahan na ng talak ang bashers

Ibinahagi ng komedyanteng si Brenda Mage sa kaniyang Facebook page ang pagreregalo niya ng bagong cellphone sa kaniyang boyfriend na si Gio Sta. Ana.

Nagbahagi rin siya ng ilang larawan nilang dalawa ng kasintahan.

PHOTO: Facebook | Brenda Mage
PHOTO: Facebook | Brenda Mage

Ibinahagi rin niya na binigyan naman siya ng boyfriend niya ng pinakulob na itik.

“Oh diba ang Sweet.. Binigyan ko sya ng Iphone binigyan nya ako ng pinakulob na Itik hahahahaha….”

Inunahan na rin niya ang mga bashers niya sa social media.

“Oh mga Maritess nagbigay na ako ng iphone tama kayo gastos talaga pag manglalaki haha…”

Nilinaw rin niya na bahagi naman ang ipinambili ng cellphone ng kinita niya mula sa vlog kung saan bumisita siya sa bahay ng kasintahan.

“oops Share ko yan sakanya dahil sa income ko sa Vlog nung bumisita ako sa bahay nila Labyu Gio Sta Ana”

Matatandaang kamakailan lamang ay may naging pahayag rin ang komedyante para sa mga nagsasabi ng pineperahan at niloloko lamang siya ng mga nagiging boyfriend niya.

“Anu ngayon kung pera lang habol sakin ng lalaki at niloloko lang ako! Big deal?

Nagpakatotoo siya sa kaniyang mga pasaring sa netizens.

“Yung magaganda at pogi nga naglolokohan eh anu pa ganitong mukha ahaha anu to Para sa inyo lang Valid ang Feelings hahahaha”

Kinuwestiyon rin niya ang bashers kung hindi gumagastos ang mga ito sa karelasyon.

“Taas ang kamay sa mga di gumagastos sa Jowa yung malinis ang Relasyon ahahaha HAPPY?”

PHOTO: Facebook | Brenda Mage

Suportado naman ng ilang mga tagahanga niya ang lovelife ngayon ng dating Pinoy Big Brother housemate.

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens (published as is).

”Go lang, mare. Dedma na lang sa mga negative.”

”Deserve naman ni Brenda ang sumaya dahil marami siyang napapasaya.”

”Real talk lang, perahan man siya ng jowa niya, eh ano naman sa inyo? Pera naman niya yun. Haha”

”Tayo ngang ordinaryong tao, gumagsatos din sa jowa. Sila pa kayang sikat at may pera?”

”Oo nga naman. Sino bang hindi gumagastos malaki man o maliit para sa jowa?”

 

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: