Barbie Imperial, tinawag na sinungaling si Diego Loyzaga?

Itinanggi ng aktres na si Barbie Imperial ang naging pahayag ng dating kasintahan na si Diego Loyzaga.

Ayon kay Barbie, hindi umano totoo na alam niyan na hindi nambabae si Diego noong magkarelasyon pa sila.

Sa kaniyang Instagram account ay nagbahagi ng ilang screenshots ng interview ni Diego sa isang radio station.

Nilagyan niya ito ng caption na:

”Nope, never said this.”

”I never said this.”

”Never said anything bad after the break up. But I think telling people I said something I didnt say is foul.”

Sa nasabing interview, ibinahagi ni Diego na nagkita sila ni Barbie kamakailan at naalala niya umano nang ma-link siya sa isang katrabaho.

“I saw her two weeks ago at a club. And I said to her, ‘Bie, after everything we went through, you really do know that I never cheated on you.’ And she said, ‘Diegs, yeah. I know, I know.’”

“‘Despite all the stories are you sure you believed me when I say I never cheated on you? Because I hear stories that you believed that.’ And she said, ‘No Diegs, I know, I know.’”

Ito ang kinlaro ni Barbie na hindi totoo dahil wala naman siyang sinabing ganito kay Diego nang magkita sila.

Agad namang umani ng reaksiyon ng netizens ang nasabing pahayag ni Barbie.

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens (published as is).

”Ayan, buking tuloy na nagsisinungaling si Diego. Haha”

”Nananahimik na kasi si Barbie, bakit kailangan pang magsinungaling ni Diego. Ayan tuloy, nabuko.”

”Echosero pala itong si Diego. hahaha”

”Bakit kailangan pang gumawa ng kwento nitong si Diego? Hahaha”

”Gusto sigurong malinis ni Diego ang pangalan niya. Ayan, bumalik sa kanya. haha”

”Babaero siguro talaga. Todo deny si Barbie eh. Hahaha”

”Nagmana siguro sa ama na matinik sa tsiks.”

”Go lang, Barbie. Turuan ng leksyon yan. Haha”

”Gumagawa ng ingay para pag-usapan. May movie ba yan o TV show ngayon na pino-promote?”

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: