Nagbigay na ng reaksiyon ang kontrobersiyal na direktor na si Daryll Yap tungkol sa pagkakadeklara sa kanila ni Ai-Ai Delas Alas bilang persona non grata sa Quezon City.
Kahapon, June 7, ay inaprubahan ng Quezon City council ang nasabing resolusyon na inihain ni outgoing Councilor Ivy Lagman.
Nag-ugat ito sa isang campaign video na tinampukan ng komedyante kung saan in-impersonate nito si QC Mayor Joy Belmonte.
Ang nasabing video na lumabas sa Facebook page ni Daryll na Vincentiments ay para sa kampanya ng katunggali ni Mayor Joy na si Mike Defensor.
Sa interview kay Daryll ng SMNI, nagbigay siya ng saloobin tungkol sa nasabing issue.
“Mayor Joy Belmonte is a friend of Senator Imee Marcos and I’m completely aware of that.
“And Mayor Joy, way back then, a month ago, was in a race kontra naman kay Sir Mike Defensor.
“I don’t actually feel any hard feelings or I don’t bear any ill feelings towards Mayor Belmonte because she is entitled to feel offended or feel like inasar siya or nilait siya or anything.”
“Naniniwala ako na yung pagsampa sa amin, sorry hindi ko po nakuha yung pangalan ng natalong councilor kasi alam ko po, talo na yun, e.
“Hindi ko po talaga nakuha kung ano yung pangalan.
“Anyways, kung sinuman yung natalong councilor na nag-file na kami po ay persona non grata, alam niyo po ang persona non grata, it means na I am not welcome in Quezon City anymore. I am an unwelcomed person.
“To be fair, ayoko naman magmukhang nagmamalaki pa ako kahit sabihin ko na hindi ako taga-Quezon City because I’m from Mandaluyong.
“I have a condo in Mandaluyong and in Taguig pero I have friends in Quezon City. I have clients in Quezon City.
“So will it affect me? I think so.
“But Nanay Ai-Ai, si Ma’am Ai-Ai delas Alas po is a resident of Quezon City. I think she will be surprised. Nasa Amerika siya ngayon.”
Tinawag din ni Darryl na “immature, elementary, at rudimentary” ang naging aksyon ng mga pulitikong pinaniniwalaan niyang pinersonal ang nasabing campaign video.
“I find it very immature. I find it very elementary. I find it very rudimentary for these politicians to actually take it personally.
“Sa palagay ko, mas marami silang ginawang hindi katanggap-tanggap para gawing unwelcome.”
Sa naging pahayag ni Councilor Lagman, binigyang-diin niyang nararapat na humingi ng paumanhin ang kampo nina Darryl at Ai-Ai.
“I am calling all the content creators, especially Mr. Darryl Yap and Ms. Ai-Ai delas Alas, and many others who were part of this project, to apologize to the citizens of Quezon City for debasing and bastardizing the beloved seal of Quezon City.
“It is a great disrespect and disregard of the laws of our land to superimpose the said seal just to campaign for a politician.
“I reiterate our call for these people, Mr. Darryl Yap, Ms. Ai-Ai delas Alas, Cong. Mike Defensor and his cohorts, to apologize to the citizens of Quezon City for [their] actions, and also promise to never do such acts again.”