Usap-usapan ngayon sa social media ang binitiwang pahayag ng komedyanteng si Rufa Mae Quinto kamakailan.
Sinabi kasi niya na balak na rin niyang pasukin ang mundo ng pulitika sa pamamagitan ng pagtakbo sa senado sa susunod na eleksyon.
View this post on Instagram
Ito ang naging pahayag niya sa press conference ng bagong sitcom ng GTV na Tols noong Lunes, June 6.
Matatandaang naging topnotcher sa senatorial race sa katatapos na halalan ang kapwa-artista niya na si Robin Padilla.
Dahil dito at sa pagkapanalo ng ilan pang showbiz personalities ay napag-isip-isip niya raw na sumabak na rin sa pulitika.
“Naisip ko, parang ang mga artista, puwedeng-puwede pala.
“Ang mga kaibigan ko, nasa pulitika, e.
“Sabi ko, mahiyain ‘yan, sila naging politician sila.”
Nang tanungin siya ng press tungkol sa magiging plataporma niya, sinabi niyang wala pa.
“Magpapa-register muna ako. Sabi ng kapatid ko, ‘Ate, magparehistro ka muna kaya. yun ang first step,’ okay!
“Okay lang kahit matalo!”
“Hanggang senate lang. Ayoko ng congress kasi ang daming nag-o-offer. Ayoko rin ng partylist, ang daming kalaban.”
View this post on Instagram
Naikuwento rin ng komedyante ang naging experience niya nang tumulong siyang mangampanya para sa ibang kandidato sa katatapos na halalan.
“Na-enjoy ko kasi talaga nung mag-campaign ako. Sabi ko, ganundin naman pala ang ginagawa. So, mag-campaign na rin ako. Kaya ko pala.
“Mahal din kasing tumakbo, so hindi ko pa rin alam. Ha! Ha! Ha! Ha!
“Hintayin ko muna kung sinong tatakbo sa susunod sa election. Makikisakay na lang ako sa plane. Kanina ko lang naisip.”
Bagama’t hindi tiyak kung seryoso nga ba si Rufa Mae o nagbibiro lang, agad na dinumog ng iba’t ibang komento ng netizens ang nasabing pahayag niya.
Narito ang ilan sa mga nasabing komento (published as is).
“Sineryoso n’yo naman eh komedyante yan? Hahaha”
“Eto na nga bang ikinakatakot ko. Gagawing retirement ang politics.”
”Mag-kapitan ka kaya muna o kagawad?”
”Ayan, anong sasabihin nyo ngayon? Si Robin na walang experience, ayos lang pero si Rufa Mae hindi pwede?”
”Go, go, go lang! Itodo mo na ‘to sa senado! Hahaha”
”Imagine kung senador siya, anong gulo kaya ang meron sa senado? Hahaha”
”Ginawa nang circus ang senado. Juskopo.”
View this post on Instagram