Brenda Mage, may buwelta sa bashers na nagsasabing pineperahan lang siya ng jowa

Matapang at apalaban ang naging sagot ng komedyanteng si Brenda Mage sa mga bashers na nagsasabing niloloko at pineperahan lang siya ng boyfriend niya.

Sa kaniyang Facebook post, nagbigay ng mensahe si Brenda para sa mga taong nagdududa at bumabatikos sa relasyon nila ni Gio.

Pasarkastiko siyang nagtanong kung malaking bagay ba na pineperahan lang siya ng lalaki.

“Anu ngayon kung pera lang habol sakin ng lalaki at niloloko lang ako! Big deal?

“Yung magaganda at pogi nga naglolokohan eh anu pa ganitong mukha ahaha anu to Para sa inyo lang Valid ang Feelings hahahaha”

Kinuwestiyon rin niya ang bashers kung hindi gumagastos ang mga ito sa karelasyon.

“Taas ang kamay sa mga di gumagastos sa Jowa yung malinis ang Relasyon ahahaha HAPPY?”

Agad namang dinumog ng iba’t ibang komento ang nasabing post.

Karamihan sa mga ito ay nagpahayag ng suporta kay sa komedyante at sa karelasyon nito.

Narito ang ilan sa mga komento (published as is).

“Don’t mind those toxic people. What’s important is you are both happy and enjoy each other’s company . Just cherish and treasure what you have with Gio right now. As long as Wala Kang tinatapakan . Just go go go lng. ,❤️❤️❤️”

“super pa ang pag Welcome sayo sa kanila dba O ptay kayo sa inggit mga utsesera hnde nga nahiya c gio sa pagpakilala sayo sa kanya pamilya.ang importante mahal ka ni Gio pinapakita sa nya sa buong mundo na mahal ka nya.”

“Wala tayong ma gagawa sa mga bashers at mga ma panghusgang mata pero ang ma gagawa natin ipag dasal sila na mwalan nang oxygen CHARR!”

“inggit lang kay brenda na super pogi at mabait clang mga familya sa yo very professional c gio.love u both gogo brend.”

“Wag ng pansinin mga taong yan ..importante po ok kayo at happy kayo no matter what 🥰ingat palage madam Brenda we love you 😘❤️”

“Hayyy nku puro kuda. Wala kayong paki. Di nyo nman pera. Let brenda enjoy and be happy. Just mind your own life. Basta masaya c brenda maging masaya nlang rin tayo pra sa kanya..“

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: