Ex ni Chad Kinis na si Nikko Chua, may hirit sa mga akusasyon laban sa kaniya

Inulan ng negatibong komento mula sa netizens ang ex-boyfriend ni Chad Kinis na si Nikko Chua kasunod ng balita ng hiwalayan ng dalawa.

Si Chad mismo ang umamin na hiwalay na sila makalipas ang siyam na buwang relasyon.

Sa interview kay Chad ni Ogie Diaz sa YouTube channel ng huli, ibinahagi ni Chad ang ilang detalye sa nangyaring hiwalayan.

Kuwento niya, hindi niya iniyakan ang hiwalayan nila ni Nikko, hindi gaya ng mga naunang relationship niya.

“It’s a different kind of pain. Kumbaga kung same old story lang din naman, I think it’s not worth it to shed a tear kasi same reason. Ito na naman, bakit pa ako iiyak?

“At saka sa akin ngayon, every relationship that ends dahil sa same reason na mga nangyari sa previous is an opportunity for me.

“It’s an opportunity for me to move on, live on, and to find someone who really deserves my love and I deserve too.

“Minsan kasi we do not end up with someone we like but we end up with someone we deserve so dapat hindi ka mapagod. You don’t have to get tired na maghintay ng tao para sa ‘yo.

“Mas okay ako sa isang relasyon na alam kong minamahal ako ng totoo kesa alam kong pinaglalaruan lang ako, di ba?” 

Ilang supporters ng komedyante ang nag-iwan ng mga negatibong komento tungkol sa ex nitong modelo.

Hindi naman ito pinalampas ni Nikko at sinagot ang ilan sa mga ito.

Netizen: “Nung una pa lang, malakas na ang kutob ko. Hindi maganda ang intensyon nito kay chad. Hayst. Very wrong.”

Nikko: “Ano po ba ang intensyon ko kay Chad? Nalaman nyo po ba? Alam nyo po ba ang mga nangyari sa amin?”

Netizen:Grabe pa si Chad mag-support sa kanya. Kahit tinda nila, gi-promote pa niya eh.”

Nikko: “Mawalang-galang lang po. Since 2013 pa ang business namin at kilala po ang business namin, 9-years na. Wala pa po si Chad. Paki-check ang album ko sa Facebook para makita n’yo.”

Netizen: “Oh no what a shame! No wonder he’s enjoying life. Well what goes around comes around.”

Nikko: “What’s wrong with enjoying life? There’s no problem with it. Not all know me nor my family — I also have my own story. There’s always a reason in every circumstances just so you know.”

Sa kaniyang Facebook account ay nag-post din si Nikko ng isang mensahe para ipaabot ang kaniyang panig.

“Let me speak for myself & stop this rumors & issues. Stop adding fuel to the fire so it won’t burn anything that’s left on us.

“For those peeps who are making judgement about me & for those who are creating their own stories because of the issue today, please be & act like a human yourselves. Don’t make accusations & judgements based on what y’all heard from other people. Are y’all perfect? Before saying something make sure po na nakakatulong po kayo sa family ninyo & other people. Make sure that never po kayo nag-kamali & nag-commit ng mistakes. ☝🏼

”I loved her truly, minahal ko siya ng sobra & I became very proud. That’s why ipinag-sigawan ko siya sa buong mundo, because I fell in-loved. Also because sa kabutihang loob niya and I bet all of you already know that.“

Basahin ang kabuuan ng kaniyang post dito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Nikko Alano Chua (@nikkoalanochua)

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: