Vice Ganda, sinupalpal ang isang basher na nagsabing iiwan at lolokohin din siya gaya ni Moira

Hindi pinalampas ni Vice Ganda ang isang negatibong komento patungkol sa kaniya.

Isang netizen kasi ang nag-comment sa tweet ng Inquirer tungkol sa dinner date ni Vice kasama ang boyfriend na si Ion Perez, at ang TV host na si KaladKaren kasama ang boyfriend nitong si Luke Wrightson.

Sa nasabing komento, inihalintulad ng netizen si Vice sa nngayari kay Moira Dela Torre.

Matatandaang kamakailan lamang ay napabalita ang hiwalayan nina Moira at ng asawang si Jason Hernandez.

“Kung si Moira nga iniwan at niloko, si Vice Ganda pa kaya, watch. Money, money.”

Pasarkastiko naman itong sinagot ni Vice.

“Sayang yung ibang relasyon noh di nagtatagal.

“Buti pa yung inggit sa puso mo panghabang buhay! 🤪”

Matatandaan na noong October 2021 ay nagkaroon na ng commitment wedding ceremony sa Las Vegas sina Vice at Ion.

Ibinahagi nila ito sa publiko nito lamang Pebrero ng taong ito.

“Nag-concert ako sa America tapos nagkataon na anniversary din namin. Tapos nagpunta kami ng Vegas.…

“Sobrang spontaneous noon. Buti nga meron pang slot doon sa pinuntahan naming chapel.”

Ikinuwento rin ni Vice noon ang nangyraing proposal ni Ion at ang desisyon niyang itago ang lahat dahil sa sobrang takot niya.

“Nag-propose si Ion sa akin noong February 21, 2020 pa. Wala pang pandemic noon.

“Noong nag-propose siya, sobra kong takot na takot. As in lahat ng mga videos ng mga kaibigan namin, pinabura ko talaga kasi ayokong lumabas.… Sa lahat tinago ko.

“Sobra akong takot na bababuyin lang ng mga tao itong isang bagay na napakaganda para sa amin.

“Sabi ko, tama na ‘yung tayong dalawa na lang ‘yung nakakaalam. Malalaman ng iba, babastusin lang nila, bababuyin, pagtatawanan, gagaguhin kaming dalawa. Ayaw ko.

“Masakit para sa akin ‘yun. Kaya sabi ko, sa ating dalawa na lang.” 

Hanggang sa ngayon, marami pa rin ang tila hindi nakakatanggap sa same-sex relationship sa Pilipinas kung kaya naman mayroon pa ring ilang mga nagkokomento nang negatibo tungkol sa ganitong relasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: