Moira Dela Torre, nagsalita na tungkol sa hiwalayan nila ni Jason Hernandez

Binasag na ni Moira Dela Torre ang kaniyang katahimikan tungkol sa usapin ng hiwalayan nila ng asawang si Jason Hernendez.

Tatlong araw matapos kumpirmahin ng asawa ang kanilang hiwalayan, nagbigay naman ng pahayag ang singer.

Inamin niyang hindi madali ang kaniyang pinagdaanan sa nakalipas na dalawang taon.

“For those of you who know my story, you can imagine the long journey of grieving and healing I have ahead of me.

“The revelations of things that happened over the last two years have been difficult, painful, and heartbreaking to process.”

Nilinaw din niya ang ilang lumabas na ispekulasyon kamakailan.

Matatandaang nadamay ang pangalan ng kapwa-singer na si Zack Tabudlo sa issue at itinuro ng ilan na ito umano ang third party sa nasabing hiwalayan.

Ayon kay Moira, nanatili siyang totoo sa kaniyang wedding vows.

“In spite of the pain I’m experiencing, let me set the record straight. 

“While our marriage was not perfect, I have stayed true to my vows and I have never cheated on Jason.”

“This has not been easy on either of us and our families.

“I only wish to put an end to the speculations regarding what happened to Jason and I.”

Sa kabila ng mga nangyari, nasasaktan pa rin umano siya sa mga naglalabasang usap-usapan tungkol sa kanila lalo na at wala namang katotohanan.

“Though we’re no longer together, it still hurts to see fabricated stories being told about us — most of which are so far from the truth.

“The both of us still have a long way to go when it comes to healing and we ask for respect during this difficult time.

“I don’t know what the future holds, but hope continues to be the song that I sing, even in pain — especially in pain — I will continue to place my complete trust in the One who has never let me down.

“My heart, though still navigating this unexpected season, feels full because of your comforting messages.

“To those who are going though the same journey as me, I hear you and I send you love.”

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: