Zack Tabudlo, idinadawit sa hiwalayan nina Moira Dela Torre at Jason Hernandez

Nadadawit ngayon ang pangalan ng singer na si Zack Tabudlo sa hiwalayan n gmag-asawang sina Moira Dela Torre at Jason Hernandez.

Ito ay matapos kumalat sa social media ang isang screenshot ng paliwanag ng isang netizen tungkol sa nangyaring hiwalayan ng mag-asawa.

Bagama’t hindi malinaw kung sino ang source ng nasabing mensahe, mabilis itong pinagpiyestahan ng netizens.

Hindi rin nakasama sa screenshot kung kaninong mensahe ito kung kaya ‘t hindi rin maberipika ang katotohanan ng nilalamang mensahe.

Ayon sa kumalat na screenshot, galing umano ang impormasyon sa isa sa mga close friends nina Moira at Jason.

Nilanaw nito na walang ibang lover si Jason, babae man o lalaki.

Matatandaang kumalat din ang pagdududa sa seksuwalidad ni Jason matapos mag-viral ang isang larawan niya kasama ang isang lalaki na kalaunan ay nagpakilala bilang handler ng mag-asawa.

Ayon pa rin sa screenshot, ang mali raw umano ni Jason ay ang pagpunta nito sa mga spa para sa isang ‘special service.’

Dito umano na-guilty si Jason kung kaya’t umamin sa asawa tungkol sa pagiging ‘unfaithful.’

Dito na rin isiniwalat sa nasabing screenshot ang tungkol sa umano’y pagkakaroon ng ‘emotional cheating’ sa panig ni Moira.

Sa pag-amin umano ni Jason, nagkaroon daw ng tsansa si Moira na makipag-break nang tuluyan sa asawa.

Matagal na rin umanong nagkakaroon ng problema sa pagitan ng dalawa.

Ayon pa sa viral screenshot, pareho lamang na may kasalanan ang dalawa.

Kinuwestiyon rin nito ang pananahimik ni Moira sa issue.

Tila raw pinabayaan lamang niya na pagpiyestahan ng publiko ang nagyari sa kanila ni Jason.

Kaugnay ng viral screenshot, binalikan din ng netizens ang ilang social media posts nina Moira at Zack.

Ilang larawan ang ini-upload ni Moira noong Marso kung kailan nagkasama silang dalawa ni Zack sa isang show.

Tila binigyan ng ibang kulay ng netizens ang caption ng nasabing mga larawan.

”feels like iv known u a lifetime, when i only met you last night ily @zack.tabudlo”

Sa caption naman ng larawang ini-upload ni Zack, pinasalamatan niya si Moira na nakasama niya.

“finally got to share the stage wt u. ily wt all my heart mommae 🥺❤️ Moira Dela Torre.”

Dahil sa mga ito, may ilang netizens na nagtatanong kung totoo nga ba ang kumakalat na bagong usap-usapan tungkol sa hiwalayan nina Moira at Jason.

As of this writing, wala pa ring ibinibigay na pahayag si Moira tungkol dito.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: