Palitan ng ‘I love you’ nina Moira Dela Torre at Zack Tabudlo, binigyan ng malisya ng netizens

Tila nabigyan ng malisya ng ilang netizens ang mga lumang social media posts nina Moira Dela Torre at Zack Tabudlo.

Sa isang post noong March, nag-upload ng ilang larawan si Moira kasama si Zack nang magkasama ang dalawa sa isang show.

”feels like iv known u a lifetime, when i only met u last night. ily @zack.tabudlo”

Nag-comment naman dito si Zack at sinabing:

“i love u mommae 🤍🥺”

Sa sariling social media account naman, nag-post rin si Zack ng pasasalamat kay Moira.

”finally got to share the sa the wt u. ily wt all my heart mommae 🥺❤️ @moiradelatorre”

Bagama’t noong Marso pa ang nasabing mga posts, binalikan ito ng ilang netizens matapos lumutang ang tsismis na nagtuturong si Zack umano ang third party sa hiwalayn ni Moira at ng asawa nitong si Jason Hernandez.

Matatandaang kamakailan lang ay kinumpirma mismo ni Jason ang hiwalayan nila ng asawa.

Inamin ni Jason na naging ‘unfaithful’ siya kay Moira ngunit hindi na siya nagbigay ng iba pang detalye.

At sa pagkalat nga nagyon ng alegasyon na may kinalaman umano si Zack, dinagsa ng komento ang mga lumang posts nina Moira at Zack.

Narito ang ilang sa mga komento ng netizens.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: