Heartbreak song ni Moira Dela Torre sa TikTok, nag-viral

Trending ngayon sa social media ang isang TikTok video ni Moira Dela Torre kung saan may inaawit siyang isang kanta habang nagpi-piano.

Ito ay sa gitna ng balita ng hiwalayan nila ng asawang si Jason Hernandez.

May caption ang nasabing video na “Unreleased Song Part 2.”

‘Paano at saan magsisimula’ naman ang pamagat ng nasabing kanta.

Bagama’t noong isang taon pa niya ini-upload ang nasabing video, muli itong binalikan ng netizens sa pag-iisip na may kinalaman ito sa relasyon nilang mag-asawa.

Narito ang lyrics ng nasabing awit.

‘Di ko alam sa’n sisimulan

Kapag ba binitawan, makakalimutan

Sana naman, napagbigyan

Ng kahit konting oras para magpaalam

Sana maintindihan

Di ko pa yata kayang hindi ka na makita

Paggising sa umaga

Ikaw lang naman ang hanap

Ikaw lang ang pinagarap noon

Paano na ngayon

Paano tatanggaping wala ka na

Paano at saan magsisimula

Panoorin ang nasabing video dito.

Naantig naman ang netizens sa mensahe ng kanta lalo na nga sa pinagdadaanan ngayon ng singer.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento (published as is).

“Just let it flow. Cry and cry until it’s over. God will heal all broken hearts. God bless”

“Its ok to feel sad its ok to embrace the pain.. But soon ngingiti ka ulit at masasabi mo nalang mahal ka talaga ni lord kasi inilayo ka sa taong sasaktan ka lang.. ❤️“

“Little did moira know, lahat pala ng kanta niya para sa kaniya.”

“What’s more painful in cheating is not the fact that he/she already has someone but the trauma and after effect to the victim.”

“Move on Moira…dami pa mas the best man para sayo😊”

“new song is coming.”

“The good thing wala pa kayong anak.. The child is the most affected when parents separated. Sa simula lang yan masakit moira, acceptance is the key para mapagaan ang iyong damdamin. There’s always a reason whatever happens in our life.”

“Stop mo na mga heartbroken song mo Mareng Moi, pati ikaw na biktima narin.”

”Tara Moira, shot puno na!”

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: