Freddie Aguilar, ipinagmalaki ang kaniyang ‘bhabe’ sa social media

Kinakiligan ng netizens ang pagbabahagi ng Pinoy music icon na si Freddie Aguilar tungkol sa kasintahan nito.

Sa kaniyang official Facebook account, nag-post ang singer ng ilang larawan kasama ang kaniyang tinatawag na “bhabe.”

“Alam nyo ba na si misis ay mahilig mag joke?

Pero bago nya matapos ang joke nya mauuna muna syang tumawa!”

Nagbahagi rin siya ng larawan ng kanilang date kamakailan.

Mabilis na dinagsa ng mga komento ng netizens ang nasabing posts ng singer.

Bagama’t marami ang nagsabing natuutwa sila para kay ka Freddie, may ilan din namang tila kumuwestiyon sa relasyon nila lalo na nga raw at hamak na mas bata ang babae kaysa sa singer.

Sa isang Facebook post naman ng kasintahan ni Ka Freddie na si Jovie, naglabas siya ng kaniyang saloobin tungkol sa mga negatibong komento ng ilan sa kaniya.

“Sad. Ito yung sinasabi ko sa mga basher ko eh.

“Sabihin na nila sa akin lahat ng masasamang salita na pinili ko si Freddie dahil sa kasikatan at pera nya pero wala pa rin tatalo sa “NAG ASAWA KANA NG SIKAT AT MAY PERA, MABUTING TAO PA.

“Bata o matanda man ang piliin nyo, may pera o wala kung walang kwenta yang taong pinili nyo KALBARYO lang aabutin nyo dyan. 😌

”Sa pag pili ng makakasama sa buhay, isa-alang-alang nyo lahat. Hindi rin pwedeng may pera lang.

“Kahit gaano karami ang pera nyan kundi mabuting tao yan, hindi ka pa rin magiging masaya.

“Tinatawanan nyo ako sa pagpili ng lalaking MATANDA NA MAY PERA AT SIKAT pero nag se-settle kayo sa lalaking pagpapalit kayo sa naka rank game sa ML. Lol. 🤪”

Narito naman ang ilang komento ng netizens tungkol dito.

”Go lang. Support ka namin sa relationship na yan.”

“Kung saan ka masaya, dun ka. Dedma na lang sa mga bashers.”

”Ganyan talaga sa mundo ng cshowbiz, may masasabi at may masasabi sila kahit ano pa yan.”

”Tama naman ang sinabi ni ate. Sak buhay nya yan, pake nyo ba? Hahahaha”

”Na-realtalk kayo ni ate. Hahaha”

”Kapag pagmamahal, hindi issue ang edad at pera.”

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: