Passport picture ni Chie Filomeno, humakot ng nakakaaliw na comments ng netizens

Viral ngayon sa social media ang TikTok video ng aktres na si Chie Filomeno kung saan ipinakita niya ang kaniyang pssport picture.

May caption ito na: “10 years din to mi, dapat plakado! 😋”

Agad na nakuha nito ang atensiyon ng mga netizens.

Ang ilan dito ay tila kumuwestiyon kung bakit tila naka-make up ang aktres sa nasabing picture.

Karamihan naman ng komento ay hindi napigilang ikumpara ang sarili nila sa itsura ni Chie sa passport.

Sa interview sa kaniya ng Manila Bulletin, sinabi ng aktres na hindi niya inakala na papatok sa netizens ang nasabing TikTok video.

“Hindi ko ineexpect na magva-viral siya.

“Gusto ko lang talaga maganda ako sa passport photo ko kasi 10 years din yan.

“Tsaka inspo ko ang Kardashian-Jenner, muntik na din ako magdala ng sarili kong ring light hahaha jk Tsaka dati kasi diba webcam ang passport.

“Ngayon naka camera na talaga sila! Bet na bet hahaha!” 

Dahil sa pagva-viral ng nasabing video at dahil na rin sa request ng mga netizens, nag-upload siya ng make-up tutorial video para sa kaniyang passport look.

Narito ang ilan sa mga nakaaaliw na komento mula sa netizens.

Panoorin ang nasabing viral video dito.

@chiefilomeno

10 years din to mi, dapat plakado! 😋

♬ swim – &lt/3

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: