Anne Curtis, iginiit na gumanda ang boses matapos manganak

“I will say nakapahinga talaga yung voice ko… gumanda. Gumanda talaga!

“I wouldn’t say sobrang ganda pero may improvement. At hindi lang yun, what’s great about now, I’ve been able to take voice lessons again. Talagang nag-prepare ako for this.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Anne Curtis (@annecurtissmith)

Ito ang naging pahayag ni Anne Curtis sa digital media conference ng Luv-Anne, ang digital concert niya na nakatakda sa June 11, 2022 sa Newport Performing Arts Theater ng Resorts World Manila.

Mahigit dalawang taon na nakapagpahinga si Anne mula nang mag-leave ito sa ABS-CBN noontime na It’s Showtime noong 2019.

Ito ay upang bigyang-daan ang kaniyang pagbubuntis at pagsilang sa panganay nila ni Erwan Heussaff na si Dahlia Amelie.

“Sobra akong excited at kinakabahan. The truth is lagi akong magdedesisyon na, ‘Sige, ituloy natin. Ay, huwag muna, hindi pa pala ako ready.’

“Parang it was a constant battle within me. Parang ang tagal na itong pinitch sa akin ng Viva.

“Pagdating ko pa lang, which is a year ago. ‘Tapos ngayon lang siya matutuloy kasi parang biglang dadami yung cases (ng COVID-19).

“Parang ako, ay, takot muna ako bilang I have a baby. It was a lot of preparation for me, being able to be ready to be onstage again, but I think that’s what’s great about this concert.

“It’s really a kick-off party of a comeback. Eto na, I’m ready na to start working again. To go back again to my passion, which is acting.

“Parang ito na, we’re back. We’re coming back full force and this is for everyone behind the scene as well.

“I did band rehearsals with Sir Louie and he was saying it’s been two years since they all performed as a band. Even the dancers, this is their first concert again after two years.

“So, parang lahat kami, ‘Kaya ba natin ito? Laban lang! Laban lang tayo!’

“It has become an inspiration. It’s just not a title of a concert but it’s what’s driving all of us.

“We can do this because I think like all of us has become so rusty. Not just me but everyone, even our staff, kasi parang ngayon lang nabubuhay ulit… people are moving forward finally.

“Eto, palaban na kaming lahat.”

Samantala, ngayong araw, May 28, ay muli siyang nagbabalik sa It’s Showtime bilang isa sa mga hosts ng programa.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: