Vice Ganda, lilipat na sa Kapuso network?

Usap-usapan ngayon ang intrigang paglipat umano ng tinaguriang Unkabogable superstar na si Vice Ganda sa Kapuso network.

Umugong ang nasabing issue matapos mapabalita ang pakikipag-meeting nito kay Direk Bober Mortiz na ngayon ay direktor ng GMA-7 show ni John Lloyd Cruz na Happy ToGetHer.

Si Direk Bobet ay matagal na naging direktor noon sa ABS-CBN bago lumipat sa Kapuso network.

Sa latest vlog ni Ogie Diaz sa kaniyang YouTube channel, isiniwalat nito ang kaniyang nalalaman tungkol sa issue.

Kinumpirma niya na ngakaroon nga ng meeting sa pagitan ni Vice at ng direktor.

“Ang nakarating sa akin, sabi nung isang common friend namin ni Direk Bobot, parang tungkol sa show sa abroad na pinag-uusapan yung dalawa.

“Yun lang yun, pero hindi ko alam kung bukod pa doon e nag-usap pa sila tungkol doon sa chismis na lilipat na si Vice.”

Dahil sa nasabing meeting ay lumabas ang haka-haka ng paglipat ni Vice sa kabilang network.

Kasama na rin dito ang intriga na maaaring kunin umano ni Vice ang dating timeslot ni Willie Revillame sa Kapuso network.

Matatandaang hindi na nag-renew si Willie sa GMA-7 para sa kaniyang show na Wowowin.

Agad namang nag-react ang ilang Kapamilya fans at netizens tungkol sa nasabing issue.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento (published as is).

“in case na lilipat siya parang kakainin niya ata yung mga sinabi niya dati na hindi daw siya lilipat sa GMA tapos lagi niya nilalait”

“Hindi yan lilipat, kahihiyan niya pag lumipat siya sa kapuso🤣”

“Wag namn sana vice, doon ka lng sa abs cbn po”

“Vice pba? Never iiwan niya ang showtime ag abs. Nmigay pa nga xa ng pera.”

“Paulit ulit na sinabi ni vice noon na hindi nya iiwan ang abs-cbn”

“kaya ba wala sya sa idol ph?”

“Di nya pakakawalang ang abs cbn kasi jan sya nakilala at sumikat ng todo”

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: