Pagpanaw ni Susan Roces, ikinabigla ng mundo ng showbiz

Pumanaw na ang tinaguriang Queen of Philippine Movies na si Susan Roces sa edad na 80 ngayong araw, May 20.

Ito ang kinumpirma ng anak nito na si Senator Grace Poe sa pamamagitan ng isang official statement.

“With great sadness, we announce the loss of our beloved Jesusa Sonora Poe, whom many of you know as Susan Roces. She passed away peacefully on a Friday evening, May 20, 2022, surrounded by love and warmth, with her daughter Grace, her nephews Joseph and Jeffrey and many of her family and close friends.

“She lived life fully and gracefully. Remember her in her beauty, warmth and kindness. She is now with the Lord and her beloved Ronnie — FPJ. We will miss her sorely but we celebrate a life well lived. Susan Roces — daughter, mother, grandmother, a true Filipina and a national treasure.”

Huling napanood ang beteranang aktres sa ABS-CBN primetime series na FPJ’s Ang Probinsyano.

Ikinalungkot ng mundo ng Philippine showbiz ang kaniyang biglaang pagpanaw.

Agad na nagparating ng mensahe ng pakikiramay ang ilang kilalang personalidad, maging ang ilang tagahanga.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: