Barbie Imperial, may kapalit na agad sa puso ng ex na si Diego Loyzaga?

Usap-usapan ngayon sa social media ang mga larawan ng aktor na si Diego Loyzaga at ng former PBB housemate na si Franki Russell.

Mabilis na kumalat ang mga larawan ng dalawa na una nang ini-upload ni Franki sa kaniyang Instagram account.

Bagama’t agad ding binura ito ni Franki, maraming netizens ang agad na nakapag-save o screenshot ng nasabing mga larawan.

Wala pang kumpirmasyon sa kung anumang namamagitan sa dalawa ngunit kung pagbabasehan ang mga kumalat na larawan, masasabing close at sweet ang dalawa sa isa’t isa.

Maliban sa pagiging former PBB housemate, isa rin sa mga naging official candidates sa Miss Universe UAE 2021 si Frankie.

Matatandaan na noong February lamang ng taong ito naghiwalay sina Diego at Barbie Imperial.

Naging magkasintahan ang dalawa mula noong December 2020.

Dahil sa nakaraan na ito, hindi naiwasan ng ilang netizens na banggitin ang pangalan ng aktres sa comment section ng mga kumalat na larawan nina Diego at Franki.

 

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens (published as is).

”Shot puno na agad-agad, Barbie!”

”Kung kailangan mo ng ka-shot, andito lang ako ha.”

”Tatlong buwan pa lang, may kapalit na agad.”

”Mahilig sa PBB housemates si Diego. Sino naman ang next?”

”Ambilis naman, Diego. Pasok na ba sa three-month rule? Hehe”

”Mabilis mag-delete pero mas mabilis ang mga Marites! Hahaha!”

”Bakit naman nag-delete agad? Ayan tuloy, lalong pinagpiyestahan.”

”Ouch, bakit naman may kapalit agad agad.”

“Oks lang yan, Barbie. Nakapag-htel naman na kayo ni Xian Lim eh.”

”Quits lang naman. May Xian si Barbie, may Franki si Diego.”

”matinik talaga itong si Diego. Ang bilis! Hehe”

”Kahit nag-delete pa agad yung babae, walang takas sa mga tsismosa. Haha”

”Hindi na lang sana nag-delete kasi mas lalo lang pagdududahan ng mga tao.”

”Kahit naman hindi umanim, obvious naman sa mga pictures kung anong meron silang dalawa.”

”Mabibilis talaga ang mga MArites dito sa Pinas. Haha”

”Okay lang yan, Barbie, move on na rin agad.”

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: