Pinag-uusapan ngayon sa social media ang mga kumalat na larawan ni Jerry Yan, isa sa mga bida sa 2001 Taiwanese drama na Meteor Garden.
Ang Meteor Garden ang first live adaptation ng Japanese manga na Boys Over Flowers (Hana Yori Dango).
Pinagbidahan ito nina Barbie Hsu, Jerry Yan, Vic Chou, Vanness Wu, at Ken Chu.
Nakilala ang apat na bidang lalaki noon sa kanilang mga karakter bilang F4 o Flower 4.
Sa mga kumalat na larawan ngayon ni Jerry Yan, kapansin-pansin na ang look niya ay base pa rin kay Dao Ming Si — ang karakter niya sa nasabing series.
Agad itong dinagsa ng mga komento ng netizens dahil tila hindi umano nagbago ang itsura nito kahit na 21 taon na ang nakalipas mula nang gampanan niya ang nasabing role.
Narito ang ilan sa mga komento ng netizens (published as is).
“Bampira yarn? Halos di tumanda ah.”
“Nakaka-senti naman. Ganoon na ba ko katanda? Lagi ko pinapanood ito dati. Ganyan na ganyan pa rin ang itsura niya.”
“Bakit ganun? ANg daya naman! Hindi siya tumanda. Hahahaha”
“21 years na yan? Grabe ha! Anong budol yan? HAHAHA”
“Eh di si Jerry Yan na ang di tumanda. Hahahaha”
“Ang unfair naman para sa aming halos nadoble ang edad. Hahaha!
“Ang pogi pa rin. Siyang siya pa rin si Dao Ming Si.”
“Ano kayang sikreto niya? Naliligo din naman ako. Haha”
“Nakainom sa fountain of youth yan? Haha! Bakit halos di nag-iba?”
“Isa yan sa pinagkaguluhan ng mga kaklase kong babae dati.”
“Ang dami na namang kinilig na batang 90s. Uy, may mga asawa na kayo.”
May kumalat din na collage ng larawan ng Taiwanese actor ng itsura niya noong 2001 at ngayong 2002 — patunay na halos walang ipinag-iba ang itsura niya.