James Reid, nag-react sa viral video kasama ang ‘rumored boyfriend’

Nag-react ang aktor na si James Reid tungkol sa kumalat na issue ng pagkakaroon umano niya ng boyfriend.

Kamakailan ay naging usap-usapan sa social media ang isang video na kuha sa selebrasyon ng kaarawan ng aktor.

Makikita sa nasabing video ang aktor kasama ang ilang malalapit na kaibigan.

Binigyan ng ibang kulay ng ilang netizens ang eksena sa video kung saan makikitang nakipag-beso-beso ang aktor sa isang lalaking kaibigan.

Agad kumalat ang nasabing video sa social media kasabay na rin ng pang-iintriga na ang nasabing lalaki umano ang bagong kasintahan ng aktor.

Karamihan sa mga komento ng netizens ay tila nagbigay ng ibang kahulugan sa pagiging malapit ng aktor sa kaibigang lalaki.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento.

”Alam na this. Kaya iniwan ang long-time girlfriend.”

”Nadine Lustre left the group.”

”Kaya naman pala. Now we know.”

”Andami talagang malisyosong Pinoy. Hayyy…”

”Malisya agad? Haha! Pa-kiss nga rin Papa James!”

”Di ba pwedeng close lang talaga? Jowa agad?”

”Ayan na naman po ang mga judgemental na Pinoy.”

”Eh ano naman kung nag-beso? Bumati lang naman.”

”Iba pala ang gusto. Hayaayay!”

”Ang pogi naman pala ksi ni Kuya. Baka kung ako yan, hindi lang kiss. Hahaha”

”No need to explain, James. Marami lang talagang toxic sa Pinas.”

”Nadine, ayan na ang ipinalit sa ‘yo. Hahaha”

Samantala, nag-react naman ang aktor tungkol sa nasabing issue.

Sa isang post tungkol sa video na nilagyan ng caption na “James Rumored BF,” nag-iwan ng komento ang Kapamilya actor.

Aniya, “Is true?”

Agad namang kinaaliwan ng netizens ang nasabing reaksiyon.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento.

”Ayan na. Pati si James, nakitsismis na sa inyo. Hahaha!”

”Just ignore them, Papa James.”

”Ayan, napa-comment n’yo pa tuloy. Haha!”

”Papa James nyo, nakiki-Marites na rin. Hahaha”

”Dedmahin mo lang sila, James.”

”Wag mo na lang pansinin ang mga walang magawa sa buhay. HAHA”

Matatandaang naging matagal na karelasyon ng aktor ang ka-loveteam na si Nadine Lustre bago sila nagdedisyong maghiwalay ng landas.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: