Video ni James Reid kasama ang ‘rumored boyfriend’, pinagpiyestahan sa social media

Mabilis na kumalat at pinag-usapan sa social media ang isang video ng Kapamilya actor na si James Reid sa gitna ng selebrasyon niya ng kaniyang 29th birthday kamakailan.

Sa kumakalat na video, makikita ang aktor kasama ang ilang malalapit na kaibigan.

Bagama’t marami sila sa nasabing video, tila naagaw ang atensiyon ng mga netizen sa isang lalaki na kasama ng aktor.

Sa isang bahagi kasi ng video ay makikita ang pagbebeso nila nito — bagay na agad na binigayan ng malisya ng netizens.

Galing ang nasabing video sa social media post ni @ashleysochan.

Mayroon itong caption na:

“From LA to Manila. 

 Happy Birthday, @james !

“You deserve all the love and success you’re being showered with. I’ve never talked to you about this but in my 9 years of knowing you.

“I’ve always admired the fact that you have always lived and put your family first. (I’ve seen you do it in so many instances).

“Stay humble, grounded, and kind. Happy to have spent your birthday with you this year.

Agad din namang nagkaroon ng paglilinaw tungkol sa tinawag ng netizens na “new relationship ni James.”

Nakilala ang lalaki sa viral video na si James Thomas — isang malapit na kaibigan ng aktor at isa ring business partner nito.

Kasama rin daw ng lalaki ang girlfriend nito sa nasabing party ng aktor.

“We’re so amused that you’re happy for James’ “new relationship” 

. Sadly no, this is James Reid and James Thomas birthday celebrations at Careless Complex.

“James Thomas is James’ business partner. Together with Jeffrey Oh, their the BIG J’s of Brooklyn Industries Group, with multiple ventures in music (Careless Music), video/TV ads productions (The Finest), food and beverage business (Notorious Concepts) and farming (The Freshest and HydroHub).

“James Thomas’ girlfriend was present during the party too, so don’t get too excited for James Reid yet.

Panoorin ang nasabing viral video dito.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: