Umani ng samu’t saring reaksiyon mula sa publiko ang isang video ng Korean pop supertar na si Sandara Park.
Sa kaniyang Instagram (IG) stories, ibinahagi ni Sandara ang isang video na kuha sa isang restaurant sa Dubai.
Makikita sa nasabing video ang pagsasalita ni Sandara ng Tagalog habang umoorder ng mga pagkain.
‘NAG OORDER AKO NG FOOD IN TAGALOG AND THEN I REALIZED NASA DUBAI PALA AKO’
WATCH: Sandara Park appears to still remember her Filipino roots as she showed herself ordering food from a restaurant in Dubai, speaking in Tagalog. | 🎥: Sandara Park/Instagram pic.twitter.com/HLGxDO12Au
— Inquirer (@inquirerdotnet) April 29, 2022
Aniya sa nasabing post, “Ordering food so naturally in Tagalog, am I in Dubai?”
Nagpasalamat din siya sa mga Pinoy na tinawag din niyang “kababayan”.
“Thank you mga kababayan for the love and protection.”
Matatandaang bago sumikat sa Korean group na 2NE1, una munang nakilala sa Philippine showbiz si Sandara nang sumali ito sa ABS-CBN star search na “Star Circle Quest” noong 2004.
Hindi man pinalad na manalo, naging malapit sa puso ng mga Pinoy si Sandara at binansagan pa nga itong “pambansang krung-krung ng Pilipinas”.
Nang iwan niya ang Philippine showbiz at bumalik sa Korea ay hindi pa rin siya nakalimot sa mga fans niya sa Pinas.
At isa nga sa patuloy na hinahangaan sa kaniya ay ang kakayahan pa rin niyang magsalita ng Tagalog hanggang sa ngayon.
Narito ang ilan sa mga komento ng netizens tungkol dito.
”Kaya love na love ng mga Pinoy si Krung Krung.”
”Daig pa niya yung ibang Pinoy naman pero di na makapagsalita ng Tagalog matapos makapag-abroad. Haha”
”Ang galing naman. Matatas pa rin siya sa Tagalog.”
”Di pa rin talaga siya nakakalimot.”
”Buti alam pa rin niya kahit matagal na siyang wala sa Pinas.”
”Siguro marami pa rin siyang nakakausap ng Tagalog kaya di na nawala sa sistema niya.”
”Nakakabilib ang mga ganitong di naman Pinoy pero di nakakalimot.”
”Samantalang yung ibang Pinoy naman talaga pero kinalimutan na ang Tagalog.”
”Yung ibang nasa Pinas naman at Pinoy naman pero di makapagsalita nang maayos na Tagalog, mahiya naman kayo. Hahaha”
“Natural na natural lang talaga sa kaniya ang pagsasalita ng Tagalog.”
View this post on Instagram
View this post on Instagram