News reporter, hinangan ng netizens dahil sa viral photos

Umani ng papuri ang bagong ABS-CBN reporter na si Izzy Lee matapos mag-viral sa social media ang ilang larawan niya habang nagre-report nang live.

Sa kaniyang Twitter account, ibinahagi ni Izzy ang isang collage ng ilang larawan niya na kuha sa isang live report.

Nilagyan niya ito ng caption na “So this happened at work today. A free hug.”

Makikita sa larawan na habang kasalukuyan siyang nagre-report ay may isang babae na tila palaboy na lumapit sa kaniya.

Walang ano-ano ay dumikit sa kaniya ang nasabing babae at pasimpleng yumakap sa kaniya.

Hindi naman kinakitaan ng pagkagulat ang reporter. Hindi rin siya nandiri o nagtangkang lumayo sa nasabing babae.

Dahil dito, agad na nag-viral ang nasabing larawan.

Umani rin ng positibong komento mula sa netizens ang nasabing reporter.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento.

”Kudos kay ateng reporter! Di man lang nandiri sa pagdikit ng ale.”

”Wow! Ang sweet ni ate. Baka nabaitan sa kaniya.”

”Nakakatuwa naman at nakakakirot ng puso. Everyone needs hug!”

”Thank you, miss reporter for not showing any violent reaction.”

”Juskopo, kung ako yan baka tumili na ako habang nagre-report. Magugulatin kasi ako.”

”Ang unfair ng mundo, kung ako yang reporter, baka sinampal na ako ng babae. Nabaitan siguro sa kaniya.”

”Ang amo ng mukha ng reporter. baka kinaaliwan lang siya ni ate.”

”Baka may naaalala kay reporter yung ale kaya niyakap niya.”

”As someone na may traumatic experience sa pulubi, baka nanginig na ako sa takot kung ako yan.”

”Grabe ang composure ni ate. Di man lang natinag.”

“She trusted you and found comfort, they’re usually fearful and distrustful of strangers. They shun any social contact Biglang akong nag follow nang makita ko ‘tong post!”

“Bihira ang ganitong tao na walang ka arte arte at hindi alam na maganda s’ya! Fan mo na’ko mula ngayon! More power and Godbless you” 

“Dito mo makikita ang pagiging mabait ni ateng reporter.”

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: