Toni Gonzaga, nag-resign o tinanggal sa Pinoy Big Brother?

Hindi na magpapatuloy sa pagho-host ng ABS-CBN reality show na Pinoy Big Brother si Toni Gonzaga.

Ito ang iniulat ng ABS-CBN showbiz reporter na si MJ Felipe.

Ayon sa kanyang tweet, wala umanong formal resignation na naganap ngunit iniendorso ni Toni si Bianca Gonzales bilang kapalit nito sa pagiging main host.

As of this writing, wala pang official statement mula sa ABS-CBN at sa kampo ni Toni tungkol sa nasabing issue.

Si Toni ang nagsilbing main host ng programa mula nang magsimula ito noong 2005.

Naging trending topic sa Twitter ang pagho-host ni Toni ng proclamation rally ng tandem nina Bongbong Marcos at Sara Duterte.

Bahagi ng senatorial slate ng nasabing tandem si Congressman Rodante Marcoleta na isa sa nagtulak ng hindi pagre-renew ng prangkisa ng ABS-CBN network noong 2020.

Umani ng samu’t saring reaksiyon mula sa netizens at sa mga dating katrabaho ni Toni ang ginawa nitong pagho-host sa nasabing event.

Nartio ang ilan sa mga tweets tungkol dito.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: