Twitterverse reacts: “Ang bakla ay bakla!”

Lalaki pa din sila. May instinct ‘yan and… you know, lalo na if you’re under the influence of intoxicating alcohol, and kung may presence of drugs pa — lalo na.

Umani ng iba’t ibang reaksiyon ang pahayag na ito ni Police Col. Harold Depositar, chief of police ng Makati City. Sinabi niya ito sa isang interview tungkol sa pagkamatay ni Christina Dacera, matapos manindigan ang isang suspek na hindi nito magagawa ang krimen dahil isa itong gay.

Umalma ang ilang celebrities sa tinawag nilang ‘insensitive’ na pahayag na ito. 

Isa sa mga nag-react ang TV host-comedienne na si K Brosas.

pnp— kahit bakla yan pag nakainom ng alak nagiging lalake yan!

me— hoy ilang beses nako nalasing kasama mga beki, ilang beses na kaming nag spin the bottle ayaw nila ako i kiss shutanginamez!

Pati si DJ Chacha ay napa-kwento tungkol sa kaniyang karanasan.

PNP: “Kahit bakla yan, kapag nakainom ng alak nagiging lalake yan”

Ganon po ba? Eh bat ganon mga friendship kong beks kapag may amats mas malambot pa sa mamahaling unan sa uratex. Yung iba nagiging si Beyonce, Mariah Carey tapos yung iba bet maging Sailormoon.

Ang komedyanteng si John Lapus ay napa-tweet tungkol dito.

Hindi nagiging lalaki ang mga bakla pag lasing! Nagigi kaming Diyosa! Yung iba, #SexBomb

Ang sikat na Filipino fashion designer na si Rajo Laurel ay nanindigan naman na ‘ang bakla ay bakla.’

ang baklang lasing ay baklang lasing

ang baklang lasing ay maingay na bakla

ang baklang lasing ay tahimik na bakla

ang baklang lasing ay gumagandang bakla

ang baklang lasing ay warlang bakla

ang baklang lasing ay dyosang bakla l

aging bakla ang bakla

mabuhay ang mga bakla

Ini-retweet naman ito ni Miss Lea Salonga na may kasamang English translation.

A drunk gay is a drunk gay

A drunk gay is a noisy gay

A drunk gay is a quiet gay

A drunk gay is a more beautiful gay

A drunk gay is a fighting gay

A drunk gay is a goddess gay

A gay is always gay Long live the gays!

Pardon my translation skills! They need work!

Lumabas naman ang humor ng mga netizens sa kanilang mga tweets tungkol sa issue.

Basahin ang ilan sa kanilang nakakaaliw na tweets.

 

dtc

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

error: Content is protected!