Yassi Pressman, lilipat na ng network?

Usap-usapan ang tuluyang pamamaalam ng karakter ni Alyana sa FPJ’s Ang Probinsyano.

Ito ang papel na ginagampanan ni Yassi Pressman sa nakalipas na apat na taon.

 

August 2016 nang magsimulang bigyang-buhay ni Yassi ang karakter ni Alyana Arevalo na nakarelasyon at naging kabiyak ni Carlo Dalisay, ang karakter na ginagampanan ni Coco Martin.

Si Yassi ay talent ng Viva Artists Agency (VAA) na siyang nagdesisyon na ito bigyan ng ibang mga proyekto.

Magiging busy daw ito ngayong 2021 kaya kinailangan na nitong magpaalam sa longest-running teleserye.

 

Hindi rin tuloy maiwasang mapag-usapan kung lilipat na rin ba si Yassi ng network dahil ang ilang kagaya niyang VAA talents ay may mga programa sa labas ng Kapamilya Network.

May niluluto rin daw na blocktime agreement ang Viva at TV5 para sa ilang bagong programa. Posible kayang isa si Yassi sa mga mapapanood sa mga ito?

Samantala, sa pag-alis ng karakter ni Yassi ay papasok naman sa Ang Probinsyano ang mga bagong karakter.

 

Ito ay ang mga karakter nina Geoff Eigenmann, Vance Larena, at Jane De Leon.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: