Inday Garutay, napikon sa ‘pang-ookray’ nina Vice Ganda?

Nag-react ang komedyanteng si Inday Garutay sa isang vlog ni Vice Ganda kamakailan.

Ang nasabing vlog ay may pamagat na “Sino ang ihahalal ni Vice Ganda?”

Sa nasabing vlog ay napag-usapan nina Vice at ng mga kaibigan niya na sina Lassy at MC ang mga kapwa nila komedyante.

Ilan sa naging topic nila ay ang mga komedyante na may mabahong hininga, hindi marunong magbayad ng utang, hindi magaling magpatawa, at iba pa.

Halata namang nagkakatuwaan lamang sila sa vlog dahil isinama nila ang kanilang mga sarili sa pinintasan o inokray nila.

Sa katunayan, ilang beses na napasama sa kanilang listahan ang pangalan nina MC at Lassy, at maging ang kasamahan nila sa trio na Beks Batallion na si Chad Kinis.

Maging si Vice mismo ay hindi nakaligtas dahil inokray din siya ng mga kaibigan niya.

Ilang araw nga matapos mai-upload ang nasabing video ay nag-react ang isa sa mga naging topic sa video na si Inday Garutay.

Sa social media account niya ay nag-post siya ng mensahe niya para kina Vice at sa mga kaibigan nito.

“To Vice Ganda and your Gargoyles, ipagpapasa Diyos ko na lang ang pang-iinsulto niyo sa akin, just Fear the Prayer of the oppressed.“

Ang Gargoyles ay mga di kanais-nais ang itsura na mga nilalang na kadalasang makikita noon sa mga lumang arkitektura.

Malinaw na hindi nagustuhan ni Inday ang ginawang pang-ookray sa kanya ng mga kapwa-komedyante.

Ayon kasi sa vlog, itinuturing ng tatlo na komedyanteng pinaka hindi nakakatawa si Inday.

Sa dulo ng nasabing vlog, mapapanood na humingi agad ng paumanhin si MC kay Inday at sinabing katuwaan lamang iyon at hindi seryoso.

Ngunit base sa reaksiyon ni Inday ay sineryoso niya ang nasabing video.

As of this writing ay burado na ang nasabing post ni Inday.

Ayon sa ilang netizens, marahil ay napag-isip-isip nito na hindi rin naging maganda ang dating ng mensahe niya para sa tatlong komedyante.

Maaaring nasaktan umano ito sa pamimintas ng tatlo ngunit pamimintas rin naman ang iginanti niya sa mga ito.

As of this writing, wala pang reaksiyon tungkol dito sina Vice, MC at Lassy.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: