Bagong PBB adult housemates, agad na kinakiligan ng netizens

Kasabay ng nalalapit na pagtatapos ng Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Edition ay ang pagpapakilala sa mga bagong official housemates para naman sa Adult Edition ng nasabing ABS-CBN reality show.

As of yesterday, anim na adult housemates ang ipinakilala na sa publiko.

Ito ay ang mga sumusunod.

  • Thamara Alexandria – “Ang Headstrong Hottie ng Davao”
  • Zach Guerrero – “Ang Smilennial Charmer ng Aurora”
  • Seham Daghlas – “Ang Brightminded Darling ng Iloilo”
  • Michael Ver Comaling – “Ang Mr. Pentastic ng Leyte”
  • Laziz Rustamov – “Ang Modelskarteng Breadwinner ng Uzbekistan”
  • Gin Regidor – “Ang Surviving Sementeryo Girl ng Cebu”

Ngunit sa anim na ipinakilala, tila tumatak sa mga netizens ang dalawang lalaking housemates na sina Zach at Laziz.

Base kasi sa mga komento ng netizens sa social media, nakuha agad ng dalawa ang atensiyon ng mga manonood.

Sa katunayan, ilang netizens ang agad na nakapag-stalk sa social media ng dalawa.

Nahalungkat rin nila ang ilang larawan ng mga ito.

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens tungkol sa dalawa (published as is).

“Grabe! Ang popogi!”

“Sabi ko di na ko manonood ng PBB dahil nakakainis ang unli voting nila pero mukhang kakainin ko ang mga sinabi ko. HAHAHA”

“Kuya, baka naman pwede mo akong ipasok sa bahay mo? Mukhang andyan na ang forever ko.”

“Ready na ang Kumu dias ko para bumoto sa dalawang ito.”

“Alam ko na kung sino ang top 2 ko sa edition na yan.”

“Artistahin. Ipasok na yan sa Star Magic!”

“Parang pinaghalong Kobie at Rhyss yung isa.”

“Hindi talaga nawawala sa PBB ang may lahing foreigner tapos isa sa task ang tuturuan silang mag-Tagalog.”

“Alam na kung sino ang pagpupuyatan ng mga girls.”

“Wala na, may winner na agad! HAHAHA”

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: