Barbie Imperial, may mga matapang na pahayag laban kay AJ Raval

Matapang ang mga naging pahayag ng aktres na si Barbie Imperial laban sa sexy star na si AJ Raval.

Kaugnay ito ng isyu na pagkaka-link ng boyfriend niyang si Diego Loyzaga kay AJ.

Tahasan ding sinabi ni Barbie na magkasabwat umano sina AJ at ang social media personality na si Xian Gaza sa pagpapakalat ng tsismis tungkol kina Barbie at Diego.

Matatandaang isang blind item ang inilabas ni Xian tungkol sa social media couple na naghiwalay umano dahil sa isang Star Magic artist.

Itinuro ng ilang netizens na si Barbie umano ang tinutukoy na Star Magic artist na umano’y third party sa hiwalayan nina Alodia Gosiengfiao at Wil Dasovich.

Isa pang post ni Xian ang nagsasabi na pinuntahan umano ni Diego si AJ sa Pampanga habang naghihintay sa kanya si Barbie sa Manila.

Sa programang The Best Talk ni Boy Abunda kay Barbie, isa-isang sinagot ng aktres ang mga akusasyong ito.

Inamin ni Barbie na nanggigil siya sa mga paratang ni Xian lalo na nang akusahan nito na nagtataksil sa kanya si Diego.

Pinigilan na lamag daw niya ang sarili na patulan ang isyu dahil iyon daw ang nais mangyari ng nasabing social media personality.

Tahasan din niyang itinanggi na pinuntahan ni Diego si AJ sa Pampanga.

“Hindi totoo iyon. Hindi totoo.”

Sinabi rin niya na marami siyang alam tungkol kay AJ.

“Pero ayoko naman na kasi mangsira ng ibang babae.”

Maging ang video na inilabas ni Xian na magkasama sina AJ at Diego ay kuha lamang daw sa taping.

“Never naman sila nagkaroon ng thing na seryoso talaga.”

Nagkataon lamang daw na nagkatrabaho ang dalawa sa pelikulang Death of a Girlfriend.

Noong mga panahong iyon, boyfriend pa ni AJ ang aktor na si Axel Torres.

Best friend ni Barbie si Axel kaya alam daw ng Kapamilya actress na hindi niligawan ni Diego si AJ.

Si AJ ay nababalitang girlfriend ngayon ng aktor na si Aljur Abrenica.

Dahil sa mga pangyayari, malinaw na may sama ng loob si Barbie kay AJ, na itinuring pa raw niyang kaibigan noon.

“Yung about doon kay AJ Raval, for me kasi, if wala kang kinalaman or alam mo naman na hindi ka kabit ni Diego, magsalita ka.

“So, parang for me, bakit parang gusto mo na nangyayari ito lahat? Na nagka-thing kayo ni Diego?”

May ebidensiya rin umano siya na pakana nina AJ at Xian ang paggawa ng isyu.

“And I heard. I have a proof na AJ and Xian Gaza are friends, and they really talk about… she feeds him mga info, na mga chismis…

“So, parang sa akin, ‘O, gusto mo pala ‘to,’ parang ganoon.

“Actually, friend ko siya noon, kaibigan ko siya noon.

“Tinanggap namin siya, sobrang bineybi namin siya sa grupo namin, kasi nga girlfriend siya ng best friend ko na si Axel. So, tinanggap namin siya.

“So, nagulat lang ako na andaming nangyayari na, ‘Okay, gusto mong maging kabit, e, hindi ka nga gusto ng boyfriend ko.’”

Nagsalita lamang daw siya ngayon dahil napuno na siya.

“Kasi andami ko na ring naririnig, pero hindi ko na kinakaya na.

“Alam mo na ganoon ang lumalabas na isyu, bakit hindi na ikaw mismo ang magpatahimik?

“Alam mo naman na hindi ka gusto ng boyfriend ko.

“Ang tagal ko nang nananahimik, yung boyfriend ko na yung kawawa, na pinagbibintangan na ano, nagtsi-cheat sa akin.”

Inusisa ni Boy si Barbie kung hindi ba siya nag-reach out kay AJ hinggil sa isyu.

Sagot ni Barbie, may nakarating sa kanyang sinabi umano ni AJ na inagaw sa kanya si Diego.

Iyon daw ang mga panahong nagkatrabaho sina AJ at Diego sa pelikula.

Pakiramdam daw ni Barbie, siya ang tinutukoy ni AJ na nang-agaw kay Diego.

Sinabi raw ito ni Barbie noon kay Axel.

“I sent it to Axel, sabi ko ‘Bakit ganito yung ex mo? Itinuring namin siyang totoong kaibigan nung dinala mo siya sa amin. So, bakit may mga isyu?’”

Pinuna rin ni Barbie ang pagkakaroon ng “mga blind item pa na halata naman kami ni Diego at siya [AJ].”

Kaya raw napuno na si Barbie at magsalita na.

“Wala naman din akong kasalanan. Parang kung sino pa yung may mali, siya pa yung matapang.

“Parang hindi dapat ganoon. Dapat kung ikaw yung may mali, magpakumbaba ka.”

Kumpiyansa rin si Barbie na hindi nagloloko si Diego dahil naging honest daw ito simula pa noong manligaw siya.

“Sa babae naman, wala, kahit isang beses wala talaga.”

Hindi raw pinaramdam ni Diego sa kanya na may iba siyang nagustuhang babae.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: