Albie Casiño, nawalan ng milyon-milyon dahil sa pagkakadawit sa isyu ni Andi Eigenmann

Ipinaliwanag ng aktor na si Albie Casiño ang naging epekto sa kanya ng pagkakadawit ng pangalan niya sa isyu ni Andi Eigenmann noong 2011.

Sa panayam sa kanya sa Cinema News, ibinahagi ni Albie na hindi lamang ang personal niyang buhay ang naapektuhan kundi pati na rin ang kanyang kabuhayan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Albie Casiño (@thestallion09)

Ibinahagi rin niya kung bakit tila nahihirapan siyang patawarin si Andi sa nasabing isyu.

Matatandaang idinawit siya ng aktres sa pagdadalantao nito noong 2011.

Siya ang itinuro nitong ama ng ipinagbubuntis nito noon.

Kasalukuyang nasa rurok na sana ng kanyang kasikatan noon si Albie nang pumutok ang nasabing kontrobersiya.

Si Albie ang kapareha noon ni Kathryn Bernardo sa remake ng ABS-CBN teleserye na Mara Clara.

Sa kalaunan ay napag-alaman na hindi si Albie ang ama ng anak ni Andi kundi si Jake Ejercito.

Sa isang livestreaming bago pumasok ng Pinoy Big Brother house si Albie ay nabanggit niya na hindi kailanman humingi ng tawad sa kanya si Andi sa ginawa nitong pagdadawit sa kanya sa kontrobersiya.

Kinontra ng kapatid ni Andi ang nasabing pahayag ni Albie.

Nag-post ito ng screenshot ng usapan nina Andi at Albie kung saan humingi umano ng paumanhin ang aktres.

Sa nasabing panayam naman, ipinaliwanag ni Albie ang nasabing usapin.

“Let’s take away all of the bashing, all of the defaming my name in public, even my family’s name.

“They even went up my mom, all the while knowing I wasn’t the dad. Let’s take that out of the consideration.

“How about I lost a lot of millions of pesos worth of projects and endorsements from that?

“And it wasn’t just a P100,000, bro. It’s a million pesos worth of, I guess, damages.

“That’s literally money they put out of my bank account.

“That’s money that could have changed my family’s life. Money that could have changed my life, right?

So how can I be okay with them? Why would I be okay with them?”

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: