Good vibes ang naging hatid sa social media ng GMA-7 reporter na si Kara David.
Viral kasi ngayon ang isang video clip niya na ini-upload niya sa kanyang TikTok account.
Ang nasabing video ay isang eksena sa kanyang show na Pinas Sarap, isang lifestyle show sa Kapuso network.
Sa video na ito, makikita siya na may hawak na isang suman habang nagpapaliwanag tungkol dito.
Ang suman na ito ay tinatawag ng mga Kapampangan bilang “suman pasku.”
Ayon daw sa mga matatanda, maituturing na magandang klase o high quality ang isang suman kapag binuksan ito at tumayo.
“Ay, tayong-tao! Pak!
“Huy, hindi ito kabastusan, guys ha.”
Dito na niya ipinaliwanag na kapag tayong-tayo ang suman, ang ibig lamang sabihin nito ay hindi ito tinipid sa ingredients.
Sa paliwanag ni Kara, kapag tinipid raw ito sa ingredients, hindi ito magiging tayong-tayo at magiging malambot ito.
Ang suman na ito ay gawa sa malagkit rice, coconut milk at sugar.
Niluluto ito sa tradisyunal na pamamaraan kung saan tuloy-tuloy itong pinapakuluan at hinahalo sa loob ng limang oras.
Dahil sa nakakaaliw na reaksiyon ni Kara sa pagbubukas ng nasabing suman, agad na dinagsa ng komento ng netizens ang nasabing TikTok video.
Mabilis din siyang nagpaliwanag kung bakit napasabi siya agad na hindi iyon kabastusan.
“Sorry naman. Yung cameraman ko kasi inaasar ako sa “tayong-tayo” kaya napa-disclaimer ako agad.”
Narito ang ilan sa mga komento ng netizens.
Panoorin ang nasabing video dito.